Matamlay kaming lahat matapos ang nangyari. Kaden is still crying, and he feels ruined. Kinuwento niya rin sa amin kung anong meron sa kanila ni Lester dahil alam niya ang tungkol sa buhay niya. He was his cousin from his grandpa's side.
Nagsimula na rin ang Foundation Day at sina Ashley, Shan, William muna ang pinagawa ko para kapag napagod sila ay kami naman. Samantalang si Liam at Synthia ay nasa labas, may hihiramin lang daw sila sa Library.
“I’m sorry, Kaden,” sabi ko habang nakatingala sa kisame. “I never knew that your life was worse. I judge you without knowing who causes you to be like that.”
Hindi siya nagsalita. Para siyang batang singhot nang singhot at panay kusot ng mata. I smiled because I found it cute. Nakakatakot siyang magalit pero parang hindi binata kung umiyak.
“Uhm...ano ba? Hindi ako sanay na gan'yan ka, e.” I laughed gently. Nahuli ko naman ang mata niyang nakatingin sa akin. It was red, and his whole cheeks are wet. I handed him a tissue but he just ignore it.
“Want me to wipe that tears for you?” tanong ko. Ngumuso naman ito at marahas na kinuha ang tissue sa kamay ko ngunit napunit ito.
“Get another one.”
Malapad akong ngumiti sa kaniya at kumuha ulit ng panibago. Pero nang inabot ko sa kaniya ang tissue ay hindi na naman niya ito tinanggap. Kinuyom ko ang aking kamay tila pinipigilan ang aking sarili na mainis at habaan na lang ang pasensya.
“You offered to wipe my tears, right? Gawin mo,” sabi nito at mas lalo pang pumikit para pumatak pa ang luha niya.
Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kaniya. Maybe this will be the exchange for helping me all the time. Tutal, kaming dalawa lang naman ang tao rito, walang makakaalam. And I don't want Shan misunderstood about this.
When I almost reach his face, hinawakan niya nang mahigpit ang aking pulsu-pulsuhan at kinuha ang tissue sa kamay ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung aangal ba ako o hindi.
“Gagawin mo talaga?” he asked while staring at me. Lord! Ang lapit n'ya!
“Oo, siguro iyon na lang ang kapalit kasi lagi mo akong nililigtas.”
“I saved you because you're too careless.” Binitawan niya ang aking kamay at tumayo. “We’re next, be ready.”
“Oo nga pala.”
“And by the way, you look beautiful.”
He left me standing. Lumabas na siya ng office at natiyempuhan namang tapos na sina Ashley. She still looks fresh and pretty.
“Woh! Grabe! Nag-enjoy ako!” she shouted joyfully.
“How was it?” tanong ko.
“Nakausap namin si Dean gamit ’yong small tracking system na ipinahiram niya sa atin. It was successful, naka-walong classroom naman kami,” kuwento niya.
Napangiti naman ako dahil maayos lang ang lagay nila. But eight classroom is not enough in one day, sana man lang ay maka-twenty-four kami dahil limang araw lang ang binigay sa amin.
“Saka grabe si Shan. Iba talaga kapag gwapo saka sikat, ’no? Walang estudyanteng tumanggi sa kaniya.”
Syempre. Shan will always be handsome and attractive. Kahit saang lupalop ka pumunta ay hindi maiwasang mapatingin ang mga babae sa kaniya. Kumbaga, he's like a magnet that makes everyone caught by his attraction.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...