Wala akong pasok ngayon dahil sabado. Medyo mabigat ang aking pakiramdam at sa tingin ko ay magkakatrangkaso ako. Lumabas din ang mga pula-pula sa aking balat at hindi ko alam kung saan nagmula iyon.
Lumabas ako ng kwarto na paika-ika. Gising na ang lahat ng tao rito ngunit may sari-sarili silang mundo. I went to the kitchen and look for food to eat. Medyo nagugutom na rin ako at iinom pa ako ng gamot para hindi ako tuluyang magkasakit.
“Good morning! May gusto kang kainin?” Shan suddenly showed up in front of me. He was holding a paper at sa tingin ko iyon ang lyrics ng kakantahin nila ngayon. Meron kasi silang compitition sa parehas na Venue gaganapin.
“Ah, wala. Magtitinapay lang ako,” sabi ko kahit gustong-gusto kong kumain ng tocino ngayon. Ayoko naman kasing siya pa ang umasikaso sa akin dahil alam kong makakaabala pa ako sa gagawin niya. He must preparing for now. Si Kali na lang ang paglulutuin ko mamaya.
“Ah, pupunta ka ba mamaya? I want to see you there. Nakakataba kasi ng puso ’yong pagsigaw-sigaw mo ng pangalan ko no'ng nakaraang may concert kami.” He smiled.
“Aba! Ibig-sabihin, papapuntahin mo lang ako ro'n para sumigaw?”
“Of course not! But it's okay if you're not going.”
Bumuntong-hininga ako. Hindi naman sa ayaw kong pumunta. Kahit masama ang pakiramdam ko ay balak ko siyang surpresahin mamaya. Siya pa ba? Hindi ko ’yan kayang tiisin, at kahit anong mangyari sa akin ay gusto kong makita siyang kumakanta sa harap ng maraming tao. I want everybody to see how talented he was.
“I’m sorry. Mukha kasing lalagnatin ako dahil kahapon. Mapapanood naman iyan sa YouTube, right?”
Hinipo niya ang noo ko at nag-aalalang tumingin sa akin. “Sigurado kang magtitinapay ka lang? Baka gutumin ka mamaya. Pupunta rin kasi sina Kei, Trisha, at Kali mamaya sa Venue. Walang mag-aalaga sa'yo rito, pwede naman akong um-absent—”
Agad na nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling. “Ano ka ba? Hindi naman sobrang lala nito. Kaya kong mag-isa rito. I'm sorry ulit.”
He smiled at me once again before leaning towards and kisses my lips. “Take care, I love you.”
Hindi na ako nakasagot dahil dali-dali na siyang pumasok sa kwarto niya at lumabas bitbit ang mga gamit nito. He waved his hands and I just smile. I lick my lips and it tastes coffee. Medyo natawa ako at nahuli ko namang nakatingin sa akin ang dalawa kaya umayos agad ako ng tayo at inalis ang ngiti sa aking labi.
“Wosho! Pasimple ka rin pala ha! May pag dila dila, ka pa r'yan. Huli ka na dahil nakita namin,” ngumunguyang sambit ni Kei.
“Dapat tinanong mo man lang kung kumain ’yon. Simula kasi no'ng nagtimpla s'ya ng kape at pumasok ng kwarto ay ngayon na lang ulit iyon lumabas,” sabi ni Trisha na nakapatong ang dalawang paa sa lamesang nasa harap niya.
Umupo ako sa unahan tabi nila at sumimangot. “Bakit hindi n'yo sinabi?!”
“Akala naman namin ay tatanungin mo kaya nanahimik na lang kami.” They both laughed, and I just rest body on the sofa. God! Umiinit na lalo ang katawan ko.
“Sigurado kang hindi ka sasama? Paniguradong malulungkot ’yon.”
I looked at them as they look at me. Nakikuha na lang ako sa chichiryang kinakain nila at napansing wala na rin akong panlasa. Kakayanin ko pa kaya sumama hanggang mamaya?
“Charot ko lang ’yon, syempre. Sasabay ako sa inyo, balak ko lang s'yang supresahin.”
They frowned. “Surpresa, surpresa. Bakit? Ang gawin mo nga lang naman doon ay taga-sigaw at taga-punas ng pawis n'ya,” Trisha demanded.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...