Tahimik kaming tatlo nang lampasan namin ’yong babae. Hindi siya nakaimik sa sinabi ko dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataon makapagsalita. Nakita ko si Kaden, he's standing beside the gate where we made our conversation between that teacher. Kalmado lang siyang nakatingin sa akin pero nilampasan ko lang siya. Dumiretso kami sa classroom namin. Magka-kaklase kasi kaming tatlo, si Shan lang ang nabukod sa amin dahil Engineer ang course niya.
“Grabe, ang lupit ng speech mo kanina. Tangina, ang talino. Napanganga kami ro'n. Kahit ’yong mga dumadaan ay napapahinto para pakinggan ka, e.” Tumawa sila parehas.
“I said it right, right?” tanong ko at tumingin sa kanilang dalawa.
“Oo, naman. Sobrang natumpak mo! Bakit mo naman natanong?” tanong ni Trisha.
“I think I hurt her feelings. Wala naman akong intensyon na saktan siya, pero gusto ko lang din sabihin ’yong side nating mga estudyante,” wika ko habang patuloy pa rin sa paglalakad patungong classroom namin.
“Hindi mo kailangan kimkimin, Alice. Most of the students doesn't have that kind of confidence to confess their feelings, their pain to a teacher. Maybe, matatauhan na siya, pero hindi lahat ng guro ay magagawang magbago dahil sino ba naman tayo para sundin nila. Kagaya nga ng sinabi mo, we have our own freedom to make a decision for ourselves. Desisyon niya kung makikinig siya sa iyo o hindi. Pero hindi ka nagsayang ng laway, you did it right.”
Napangiti ako sa narinig. I'm grateful to have this kind of friends. Inakbayan ko sila parehas bago pumasok sa room namin. I'm not surprised na hiwa-hiwalay ang upuan namin. Usually, ganito talaga kapag may exam na paparating, tapos kapag tapos na... ibabalik na ulit sa dati dahil reporting naman ang sunod.
Iniwan ko ang mga notebook ko sa ibabaw ng lamesa ko at nagpaalam muna sa kanila na pupunta lang ako sa library para humiram ng libro. Isa-isa ko ring tinext ang mga ka-groupmates ko na pumunta sa library para itatalakay ko na rin ang tungkol sa reports.
Shan made a script kaya hindi na ako mahihirapan. Bigla akong napaisip, natulog kaya siya? Alas-dos na no'ng nagsimula siya at ang dami niyang ginawa. Shit, bigla akong nakonsensya, nakapuyat pa ako ng tao dahil sa report namin.
“Bakit dito mo naisipan na makipagkita? Kita mong bawal mag-ingay rito?” sabi ni Threa, isa sa ka-grupo ko.
“Hindi naman mahirap ’yong gagawin ninyo. Ako magre-report, tapos kayo lang ang magbabasa ng tanong for recitation,” sabi ko.
“Ha? Ang unfair naman no'n kung ikaw lahat gagawa. Pwede ka naman naming tulungan—”
“Hayaan ninyo siya. Ganiyan naman mga bida-bida, ’di ba? Porket matalino, siya gagawa ng lahat para masabi ng teacher natin na umasa tayo sa kaniya. Minamaliit tayo ni Alice, hindi ninyo ba iyon napapansin?”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Eya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin, na gano'n ang naiisip niya sa kabutihang binibigay ko.
“Ano? Tinanong ko kayo no'ng isang araw bago tayo magkaroon ng prom at wala sa inyo ang kumuha ng trabaho para gumawa ng PowerPoint, tapos ngayon...ako ang sisisihin mo? Edi sana ikaw ang gumawa at ikaw ang magsabi sa amin ng gagawin. Ang dali na nga ng gagawin n'yo at ako na ang gagawa. Pasalamat ka pa nga hindi ko ipagdadamot ’yong grades na mabibigay sa inyo, e,” sabat ko.
“Wow! So utang na loob pa namin iyang pagmamaliit mo sa amin, este, pagmamabuting loob mo? Edi sa'yo na ’yang grades mo!”
“Eya, tama na. Tama naman si Alice. Nagtanong siya at wala naman sa ating sumagot. Kahit naman ikaw, ayaw mo ring bumagsak. Tinutulungan lang niya tayo,” sabi ni Freya.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...