SEASON 2 PART 18

45 0 0
                                    

Pagbabalik

Kahit paano ay napawi ang kaba ko sa sinabi niya. Wala naman ako dapat ikatakot, e. Hindi naman nila ipapasa sa akin ang lahat kung wala silang tiwala sa akin. Kung sa tingin nila ay hindi magiging tagumpay ang plano nila. They want me to do this, ang tanging gagawin ko lang ay gawing gabay ang tiwala nila.

Isa-isang bumaba ang nasa loob ng kotse at namangha na lang sa nakita. They're all wearing a simple dress, habang ako...halos ulo hanggang paa ay kumikintab ang suot ko. Parang gusto ko na tuloy magpalit. Si Tita Rose lang naman kasi ang nag-udyok sa akin na magsuot ng ganito. Palibhasa, dalagang-dalaga pa rin siya.

Kinurot ko ang aking daliri nang isa sa mga kapatid ni Papa ang tumapat sa akin. Para akong mahihimatay at pakiramdam ko ay malulusaw ako sa titig niya.

"Oh my goodness! Ito na ba si Aleena!?" tumitili pa niyang tanong at tumango si Papa. "She looks matured, Kuyaaa! Mas maganda pa ang anak mo sa akin!"

"Kailan ka ba gumanda, Criselda?" Napabaling ako sa lalaking tumabi sa kaniya. Hindi ko rin siya kilala. Nagkita na ba kami noon o sadyang hindi ko lang siya matandaan?

"Ang sama mo sa Ate mo, Artemis." Inirapan niya ito at muling bumaling sa akin. Naglahad siya ng kamay sa akin at ngumiti. Nagdalawang-isip pa ako na tanggapin ito. Nakakahiya.

"She looks nervous, Criselda. Nakita niya kasi ang kapangitan mo. Kuko ka lang ni Aleena."

Isa naman ang bagong dating. She looks simple, walang make up at sa tingin ko lip oil lamang ang gamit niya. Ang buhok niyang hanggang bewang ay nakalugay lamang. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto at magpalit ng damit. Napakasimple nilang tignan, ako lang ang kakaiba.

"Shut up both of you, Solene and Criselda." Speaking of the one called strict sister, Tita Elizabeth.

Siya lang talaga ang ka-close ko sa kanila at si Tita Rose. May pagkamaldita ang mukha niya pero ang totoo ay taliwas ang hitsura sa ugali niya. She's very kind and sweet. Ewan ko ba kung bakit takot na takot si Kuya sa kaniya. Tuwing nagkikita sila ay natitiklop ang lalaking iyon at natatahimik. Akala mo'y inaping tuta sa isang tabi at hindi makaalis palagi sa puwesto niya.

"Look who's the most successful grandchild here."

Lahat sila ay napahawi nang bumungad si Tito Ferregamo. Nanlaki ang mata ko at napalunok nang malakas. Hindi ko inaasahang pupunta siya rito.

"D-Dean..."

Ipinilig niya ang kaniyang ulo at ngumiti. "It was nice to see you again after four years. Nagulat na lang ako sa bigla mong paglisan sa Pilipinas. Akala ko'y hindi ka na mag-aaral talaga." He chuckled.

Napatungo na lang ako. Tandang-tanda ko pa kung paano ako lumuhod at umiyak sa harapan niya para lang hindi ako mapaalis sa paaralang hawak niya. But little did I know, paraan lang pala iyon para mapasali ako sa SG. Napaisip ako bigla, kumusta na kaya ang mga kaibigan ko ro'n?

"Hindi ko inaasahan ang pagkakabitak-bitak ninyong magkakaibigan, Aleena. Ang iba ay nawala na sa paaralan, ang iba ay nagpatuloy, at ang iba ay..." Hindi niya naituloy ang pagsasalita kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. I saw how sorrowful his eyes was. "Ang iba ay naging pariwara at nabaon."

Hindi ko maiwasan ang malungkot sa nalaman. Ilang taon na rin kasi akong nawala sa Pilipinas. Paano kung walang nangyari sa pagitan namin ni Kaden? Natupad ko na kaya ang pangarap? May magbabago kaya sa buhay ko o makukulong pa rin sa kamay ng Tatay ko? Magbabago kaya siya, mamahalin ba niya ako kagaya ng pagmamahal niya sa akin ngayon?

"Pero hindi iyon ang pinunta ko rito, Aleena." Bumalik ang ngiti sa labi niya. "Magsasaya tayo at magdidiwang para sa anak mo. Para sa buhay na naiangat mo."

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon