Chapter 31- Yours

154 3 0
                                    

    Napakurap ako nang ilang beses dahil sa sobrang pagkaseryoso ng boses niya. Maging ang mata nito at titig na titig sa malayo na tila malalim ang iniisip.

    “Kung buntis, edi ipalaglag—”

    “Seriously, Aleena?” When I tilted my head to him, enraged is all I saw on his eyes. Parang galit na galit siya at nadismaya sa sinabi ko. “You’ll abort my child because you're scared? Hindi kita mapapatawad kapag ginawa mo iyon.”

    “Hindi naman kasi ako buntis! Bakit ka ba nag-iisip ng ganiyan!?” bulalas ko.

    “Bakit sa akin mo sinasabi iyan? Ikaw, bakit mo iniisip na ipalaglag ang anak ko?” Umupo ito nang ayos at mariing tumingin sa akin.

    “I’m not pregnant! Bakit ba pinagpipilitan mong may bata sa sinapupunan ko?!”

    “Dahil hindi imposible. And I will not gonna let you take pills, Aleena. You'll extend your vacation here with me for two days. Alam kong kapag nakauwi ka na ay iinom ka noon nang hindi nagsasabi sa akin.”

    “At sino ka para magdesisyon? Saka, bakit ba gusto mong magkaanak?! Ang bata pa—”

    “Because I want you to be mine! I want to you all alone! Mahirap ba akong pagkatiwalaan at hanggang ngayon ay nangangamba ka pa rin sa ginagawa ko?!”

    Nagising ako sa katotohanan dahil sa pagsigaw niya. I got him mad. Mabilis ang paghinga niya na para bang hindi niya gusto ang mga pinagsasasabi ko.

    “Can’t you trust me?” Lumamlam ang mata niya at nanghina ang boses. Medyo naawa ako sa kaniya palagi ko na lang siyang pinag-iisipan ng hindi maganda.

    “I trust you.” Tatlong salita na nakapagpabago sa malungkot niyang ekspresyon. Tumingin siya sa akin at hinigit ang aking kamay na naging dahilan ng pagbagsak ko sa dibdib niya.

    “I will take care of it.” He smiled. “Tara na.”

    Dahan-dahan siyang tumayo at naglahad ng kamay sa akin. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya at tinanggap ang pagtulong niya sa akin sa pagtayo.

    “Saan tayo pupunta?” I asked.

    “I told you, I have a big surprise for you. Pupunta tayo sa bahay ni Lola,” aniya sabay pagpag ng shorts niya.

    He held my hand as we start walking towards the gate. Hindi ko man alam ang bahay ng Lola niya pero siguro naman ay wala siyang balak na iligaw ako sa lugar na ito.

    Medyo malayo ang lakarin pero sulit naman dahil panay ang kuda niya at turo na para bang s'ya ang tour guide ko. Nakakaaliw naman dahil marami pala kaming hindi nakita kahapon dahil mabilis ang biyahe. Saka ko lang din nariyalisa na sila nga pala ang may-ari lupang ito.

    Nakakamangha ang pamilya niya. Mabuti nga ay nakakaya nilang pagsabay-sabayin ang negosyo na hawak nila. Kung ako naman ang mamamahala nito ay puputok na ang utak ko dahil paniguradong mahirap ang gawain dito. Kailangan hasa ka sa mga bagay na may katungkulan sa lupa, o sa pamamahala ng isang lupa. Pero ako? Secretary ang pangarap ko at hindi bilang tagapamahala ng negosyo.

    “Pagod ka na ba?” tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling kahit nangangalay na ang paa ko kakalakad. Bibihira lang kasing may dumaan na sasakyan dito. Walang tricycle dahil paniguradong kulang pa ang isang litrong gas sa layo ng biyahe. Ang makikita mo lang talaga rito ay mga Van at kotse.

    “Gusto mo ng ice cream?” tanong niya ulit.

    “May ice cream dito?”

    Sumimangot siya. “Oo naman. Hindi pwedeng wala. Hassle maglakad at magbiyahe rito kaya kahit saan ay merong tayo noon.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon