I ended up having no choice again. Gusto ko mang iwasan na mapalapit lalo sa kaniya ngunit nahihirapan ako dahil hindi ko pa kaya. Kasalanan ko naman ulit kung sakaling masaktan na naman niya ako sa huling pagkakataon.
Simula no'ng araw na iyon ay hindi na umaalis sa tabi ko si Shan. He became more caring than usual. Palagi niya akong binibilihan ng pagkain at dinadalaw sa classroom namin. Pero habang tumatagal ay napapansin kong iniiwasan din ako ni Kaden. Even on our meeting about foundation day, palagi siyang wala sa office.
Hindi na natuloy ang pagkikita namin nina Kuya at sa susunod na lang daw dahil marami siyang inaasikaso.
“Alice, kumain ka na?” tanong ni Shan nang makapasok siya sa classroom namin. Ako naman itong aligaga sa paghahanap ng wallet ko sa bag dahil mukhang nawawala ’ata.
“A-ah, hindi pa nga, e. Nahulog ko ’ata sa labas ’yong wallet ko kanina no'ng papasok pa lang kami ng gate,” sabi ko at nilingon siya. “Mauna ka na, magre-review na lang muna ako.”
“Let’s go.” Hinawakan niya ang aking kamay at hinigit ako palabas ng classroom namin.
“Huy! Wala akong pera!”
“Masamang magpalipas ng gutom, Alice. Hindi pa naman din ako nakain kaya sabayan mo ako.”
Hindi na ako umimik at nagpatianod na lang sa higit niya. Nahagip naman ng aking mata si Kaden na nakikipagtawanan sa mga 3rd year college student malapit sa HBuilding-A. Nakaakbay rin ang kamay nito sa kausap niya at napatingin sa gawi ko nang mapadaan kami sa direksyon nila.
He glared at me while there's a smile playing on his lips. Bumaba ang mata niya sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Shan, his expression change and it became cold. Unti-unti rin siyang lumapit sa babae at hinapit ang bewang nito bago niya halikan. Nakatingin pa rin siya sa akin nang gawin niya iyon. Napalunok naman ako at agad nag-iwas tingin.
Nang makarating kami sa cafeteria ay pumili ako ng upuan at si Shan naman ang bumili ng pagkain namin. Hindi matanggal sa isip ko ang nakita kanina. He don't trust woman but he's flirting. The way he looks at me was intimidating, lalo na no'ng nakita niyang magkahawak ang kamay naming dalawa ni Shan.
Bigla kong naalala ’yong araw na umamin siya sa akin. I know it was a joke, and I know he's a dishonest person. Kukunin niya ang loob at tiwala ng isang babae sa isang halik niya. Well, aaminin kong magaling siyang humalik, but it doesn't mean I'll trust him and I'll let him court me without knowing each other.
Sa sinabi niya pa lang na nagkagusto siya sa iba kaya sila naghiwalay ng nobya n'ya ay halata namang manloloko siya. And I wonder whose heart became broken because of him. Nakakaawa naman siya dahil nabiktima siya ng isang lalaking hindi mahilig magseryoso sa babae. I cannot fathom why is he doing that.
Nang isandal ko ang aking likod sa upuan ay aksidente akong napatingin sa pintuan kung saan pumasok si Kaden kasama ang babaeng hinalikan niya kanina at sa kabila naman ay may ibang babae na naman. Hindi naman sa nagtataka ako pero wala sa sarili kong sinundan ng tingin kung saan sila uupo.
Pumwesto sila sa hindi kadulo-duluhang parte ng cafeteria at ang dalawang babae naman ay humiga sa magkabilang balikat nito. Damn, Kaden. Mambibiktima na naman siya ng babae.
Tumingin ako kay Shan na nakapila pa at pumipili pa rin ng pagkain. Nang mapansin kong matatagalan pa siya ro'n ay tumayo ako at lumapit sa puwesto nila Kaden. He was resting his head on the back chair when the two women poke his chest.
Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mata at walang kainte-interes na tumingin sa akin. He looked at me from head to toe and raise his eyebrow.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...