CHAPTER 1: First Day, Break

457 10 0
                                    

Morning. 6 AM.


Medyo makulimlim.


Pagkatapos kong naligo, magbihis at lahat-lahat ay maayos kong tinignan ang sarili sa salamin. I chose to wear my pastel pink office outfit at kakulay rin nito ang three inches heels na suot ko. After feeling contented, nagawa ko pang ngumiti ngunit hindi nagtagal ay kusa ring nawala 'yon nang magising ako sa reyalidad. 


"How did I forget it?" mahinang tanong ko na tila kinain ng sariling ilusyon. 


I was kicked out of the office by my boss last time. Para saan pa 'to? Saan ako magtratrabaho? Ipinatong ko ang dalawang kamay sa kahoy na lamesa at napapikit, "Ano bang iniisip ko?" napayuko ako.


Buti pang itinulog ko na lang 'to. 



Agad akong napatingala nang maalala ko ang lahat ng nangyari. These past few days, I've been really drained. Kahit marami akong tulog, parang palagi akong pagod. Is this how it feels to be tired in everything?



Nakita ko ang shoulder bag sa aking harapan kaya kinuha ko 'yon para buksan. Inilabas ko ang laman nitong pera at dalawang-daan na lang. Good to know na nandito pa yung debit card ko kaya mailalabas ko pa ang mga ipon kong pera sa ATM. Hahanap na lang ako mamaya sa daan ng ATM machine, marami naman sa tabi-tabi. 



Ibinalik ko 'yon lahat sa loob ng shoulder bag. Mag-aalmusal na lang ako sa paborito kong karinderia. Fifty pesos with rice naman na. I took my phone from the bed at lumapit papunta sa harap ng salamin. I was about to put my phone inside the bag when I remembered something.


"You are the most qualified for this job. If ever you need one, call me." Ibinalik niya ang cellphone ko.

 

Right, I checked my phone and went to contacts, may isang naka-save na bagong pangalan.


"Yreasha Hanash Vendale."



Tinawagan ko ito at itinapat ang cellphone sa aking tainga. Not long after, someone from the other line responded, "Hello?"



"Hi, it's me."



"Nice," hindi ko man it makita but obviously, she's smiling, "I know what you want. Huwag kang mag-alala. Tanggap ka na," then she hanged up.

 

"What?" napatingin ako sa cellphone. Wala pa naman akong sinasabi sa kanya ah? How come? Is this a mandatory job now?



All of a sudden, a notification popped up. I checked it and it seems to be a message from her. Isa itong address.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon