It's been a tiring day. Magmula kaninang tanghali ay walang hinto na ako sa pagtakbo sa daan. Punta rito, punta roon. Isama mo pa yung mga calls na natatanggap ko mula sa office. May mga dumarating raw kasing kliyente at business partners si Hart but the thing is, we are both absent. I don't even know if my boss is still alive, maybe nakipagtanan na dun sa babae.
I am now sitting on a bench, drinking a milk tea mula sa nadaanan kong milk tea shop kanina. Instead of staying inside for a rest, I decided to drink it here outside and get a sip of some fresh air. Maski ang suot kong heels ay pansamantala ko na munang inalis. My hangover is starting to kick in once again, dahil siguro masyado na akong abala kanina na hindi ko na napansin ang pananakit ng ulo ko. Maybe, a little rest will do.
I am just looking around the corner. Nasa park kasi ako. Can't help but to smile while watching a family having their picnic. Mag-asawa sila at may tatlong anak. Isang babae na mukhang nasa highschool na at dalawang batang lalaki. They seem to be in elementary grade. Magkasunod siguro ang edad nila. Kasalukuyan silang naghahabulan habang may hawak na lobo na kulay asul, ang isa naman ay pula.
Habang naghahabulan ay nabitawan ng isa ang tali kaya lumipad ang lobong pula sa ere, dahilan ng pag-iyak niya. Mabilis naman siyang pinatahan ng kapatid nitong lalaki at ibinigay sa kapatid ang lobo nito.
Natawa na lang ako habang pinapanood sila. We were also like that back then, when dad was still alive. But now? Even the one I consider as my father do not see me as his daughter. Just because I have a different biological father.
Nakakamiss. Tho tuluy-tuloy pa rin ang pagpapadala ko sa kanila ng pera, I cannot even pay a visit knowing na masisira ang araw nila kung makita nila ang pagmumukha ko. All I thought, once I provide everything they need, they would somehow consider me as their family too but no.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang sumisipsip pa rin sa hawak kong milk tea. Hindi na ako bumalik sa opisina dahil closing hours na. Itutuloy ko na lang sa bahay ang mga na-skip kong work. I look at my watch and I still have enough time before casino hours.
Inilabas ko mula sa bulsa ng cream coat ang aking cellphone. There is still no message from him. Ganon na lang ba talaga kadali sa kanya ang lahat? Did he even check kung napano ako kagabi nang iwanan niya ako sa daan?
Natatandaan ko pa lahat ng pinag-awayan namin kagabi. Kahit pa nagawa niyang pagbintangan kami ni Hart, I can't still be completely mad at him. Mahal ko siya eh. I am ready to forgive him if he asks so.
I started dialling his number and waited for an answer habang pinapanood ko ang mga tao sa paligid. Maraming mga bata ang naghahabulan. Some dating couples are also here. I checked my phone once again nang walang sumagot na Jansen sa kabilang linya. Masyado ng masakit ang paa ko para maglakad but nevermind. I can't just overthink here.
We need to talk. I wanna fix our relationship.
Isinuot ko ang heels, tumayo na at kinuha ang bag ko. Itinapon ko na rin sa trash can ang naubos kong milk tea. I immediately took a taxi once again and went to his condominium. Dumaan muna ako sa isang coffee shop at umorder ng cappucino latte. It's his favorite kasi.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Acción(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024