Chapter 64: Meet Up Who

48 3 0
                                    


Kinuha ko ang cellphone sa bag at may tinawagan. Matapos itong ilapat sa aking tainga ay saka ako nagpalinga-linga ng tingin sa magkabilang-daan. Hindi nagtagal ay may sumagot naman, "Ate Shein?"


"Uy, nasaan na kayo?" pagbati ko habang patingin-tingin sa paligid.


"Malapit na kami, wait lang. Medyo traffic lang dito ng konti, may aksidente kasi."


"Ganon ba? O sige hintayin ko kayo dito sa tabing daan ah?" 


"Ma, saan tayo punta?" dinig kong tanong sa kanya ng anak nito kaya kusa akong napangiti. Matagal-tagal na rin sinula nang huli kong marinig ang boses nito.


"Mamaya, makikita mo ren, baby," sagot naman niya sa bata.


"Oo, Ate Shein. Wait mo kami ah? Malapit na promise— ay p*tek, hawakan mo kasi sabi baby eh."


Kusa akong napangiti nang marinig nanaman 'yon sa kanya. Malamang ay hindi na niya alam kung saan ibabaling ang atensyon, kung sa daan ba, sa akin na kausap niya o sa anak nito.


"Sige, ibababa ko na. Andito lang ako pagbaba niyo," saad ko at tuluyang pinatay ang tawag. Napatingin ako sa kaulapan at medyo makulimlim. Wala pa naman akong dalang payong in case na umulan.


I am wearing a pastel pink knitted long sleeve paired with a light blue flare jeans and a white chunky rubber shoes.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa hindi kalayuan ay may tumigil na bus sa aking tapat. May iilang mga nagsibabaan hanggang sa kusa akong mapangiti nang matanaw ang dalawang pamilyar na mukha.


Hawak-hawak nito sa kamay ang kanyang anak at inilibot ang paningin. Nanlaki naman ang mata nito at malapad na ngumiti nang magtama ang aming mga mata. Patakbo silang lumapit sa aking direksyon at gayon din ang pagsalubong ko sa kanila.


"Ate Shein!" malakas na boses niya at sinalubong ako ng yakap.


"Xianna, namiss kita," saad ko na niyakap siya pabalik.


Lumayo siya sa akin, "Ang tagal nating hindi nagkita, namiss din kitaaa!" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "Ang laki na ng pinagbago mo. Isa lang ang hindi," sumimangot siya.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon