Chapter 72: this.next

43 3 0
                                    


Bumukas ang pintuan kaya sandaling napunta roon ang atensyon ko at sa taong pumasok. It didn't take that long at ibinalik ko ang tingin sa lamesa.


Tumigil siya sa tapat ko at naupo sa aking katabing sofa, sa kaliwa. Pareho kaming nakaharap sa lamesa, "How are they?" panimula ko.


"Doing good."


"I could still remember, sabay din silang na-hospital date dahil sa underground basement ng LaCosa. The cause is still the same, that old man," natawa ako. Ang dalawa talaga na 'yon. I can't believe them.


"Is there something going on between those two?" prente niyang tanong.


"Tinatanong pa ba 'yan? Alam na natin ang sagot simula nang makapunta tayo sa red room," hindi na siya sumagot pa at tumango na lang.


"You seem out of focus, Sky. Kaninang umaga ko pa napapansin," saad ni C-El. His usual outfit, white shirt, black pants and his right eyepatch. Halos pareho lang kami ng suot, naka-short nga lang ako.


Nainom ako ng alak mula sa hawak na baso, "Obvious pala," natawa ako.


"I'm all ears," seryoso siya.


Ibinalik ko ang tingin sa lamesa at napatingin sa kulay pulang maliit na kahon na nasa kaliwa ko, "A ring?" napatingin ako sa kanya. Nakabukas kasi ang box kaya imposibleng hindi niya makita ang laman, "You're getting married?" sumandal siya sa kinauupuan nito.


Natawa lang ako at nainom muli. Kinuha ko ang box gamit ang isang kamay at maayos na tinitigan ang laman. It's a silver ring with a diamond shaped like a sun. Gold yellow ang kulay ng mismong gitna nito. I'm supposed to be feeling over the clouds.


"Supposed to be, yes," tinanguan ko siya at binaba sa lamesa ang hawak na baso. Tinignan ko ng maayos ang singsing at hinawakan ang box gamit ang dalawang kamay.


"Why marrying, all of a sudden?" nang tignan ko siya ay hindi man salubong ang kilay pero halata sa tono ang pagtataka.


"I want to be a good father sa anak ko," napako ang tingin ko sa singsing.


"And a good husband?" he followed up.


I smiled, "Honestly. I can't love her like I used to before," tinignan ko siya, "But for our son, I want to take responsibility of him and his mother, in fact, matututunan ko rin naman siyang mahalin ulit kapag nagsama kami ng matagal."


"Taking responsibility for your son? Is that it?"


Tumango ako, "Yes."


"Then, what's stopping you from proposing to the mother?"


Nawala ang ngiti ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak na kahon at pinagdampi ang mga kamay at daliri. Yumuko ako at ipinatong ang mga siko sa tuhod, "You're hesitating, Sky," hinarap ko siya, "Why? I thought you wanna be a good father?"

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon