Chapter 53: Confused Personality

69 4 0
                                    



"A release video of Mr. Razon, the famous business tycoon of the country has reached the social media this 12 noon regarding his former secretary. Public is asking for his opinion about this matter, and even Mrs. Razon herself has remained speechless about this matter. Ang video ay kuha sa kanyang opisina habang makikita si Mr. Razon at ang kanyang sekretarya na naghahalikan," kusang nahulog sa sahig ang hawak kong baso nang mabitawan 'yon nang hindi namamalayan. 


Napako ang aking tingin sa tv kung saan pamilyar sa akin ang pinapakita roon. Mula sa pagiging prente at kalmado, tila ba bigla akong nakaramdam ng panginginig ng aking kalamnan, "Sinubukan naming kunan ng pahayag ang mag-asawang Razon pero ayaw nilang magsalita sa takot na marami pang mabiktima ang dati niyang sekretarya," dalawang newscaster ang salitan na nagbibigay pahayag ngayon.


Ang babae naman ang nagsalita, "Ang dati nitong sekretarya ay walang iba kundi ang kaisa-isang sekretarya na ngayon ay nagtratrabaho sa isang pinaka-sikat na casino sa buong bansa. Ang sekretarya sa kumpanya ng Rossino La Vaille."


"What?" halos maubusan ako ng boses at nagsalubong ang kilay. Maski ang pagka-basag ng baso sa sahig ay hindi ko na pansin. Wala naman akong nararamdam na hapdi sa paa kaya siguro ay hindi ako nasugatan ng mga bubog.


"Ang suspect ay walang iba kundi si Ms. Ionne Sheiñelle Velrama. Nabanggit ng mag-asawang Razon ang plano nitong sirain ang kanilang pamilya at kumpanya noong nagtratrabaho pa lang ang suspect sa kanilang kumpanya ilang taon na ang nakakalipas."


"Totoo nga bang may kinalaman ang boss nitong si Mr. LeFevbre na siyang may ari ng kumpanya sa pangyayari?"


"Unbelievable," napapailing kong saad at nakuha pang matawa, "Paano nila kami nagawang baligtarin ni Hart?" hindi makapaniwalang saad ko kahit wala namang kausap. I don't know, I should be in panic right now pero natatawa na lang ako.


"After what they did to us, kami pa ngayon ang nagmukhang masama? Pati si Hart ay dinamay pa niya?" konting-konti na lang ay masusuka na ako sa kahibangan nila.


They even used the media. No, hawak nila ang media. It's obvious naman na sa kanila pumapanig ang media but showing the video in public just to frame me up? That's ridiculous. Nawawala na ba sa katinuan ang matandang 'yon?


And what did they call it? A video scandal? Ako ang suspect? I threatened him? Haha, hibang na siya. That old man and his wife. How come he had the guts na ilabas 'yon after what I did to keep this matter in private?


Mabilis kong inilibot ang paningin para para sa cellphone at kontakin sana si Spade. Natigilan ako nang maalala na wala nga pala akong cellphone. Ramdam na ramdam ko ang nanginginig at nanlalamig kong mga kamay, "Oh ghad," napatingin ako sa kisame at tila bumibigat ang aking mga mata. I shouldn't feel this way. I have to calm myself. Lalo lang ata akong lalagnatin sa kanila. And yes, after Spade and that woman's quarrel last night, nakauwi ako ritong nilalagnat.


At ito pa talaga ang bubungad sa akin sa umaga?


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon