Chapter 43: Challenge Accepted

84 5 0
                                    



In the middle of a dark alley, there is a man having his steps towards the dead end, where he is greeted by a door. Tangin yapak lang nito ang naririnig sa buong lugar. Puro pader sa paligid at isang pintuan lang sa dulo. Madilim sa daanan at isang ilaw lang ang nasa tapat ng mismong pintuan sa dulo.


Mabibigat ang mga hakbang nito. Nang marating ang dulo ay sumalubong sa kanya ang isang lalaking nakabantay sa pintuan. The guard is wearing a formal outfit. He was actually waiting for the walking man to reach the door. Alam man nito na may papalapit sa direksyon niya ngunit hindi niya makita ang mukha ng taong 'yon. Nang tumigil ito sa tapat niya ay nasinagan ng nag-iisang ilaw sa tapat ng pinto ang mukha ng lalaki.


Nang makilala ito ng guard ay agad na yumuko, "Bonsoir, sir," saad nito sa magalang na paraan.


Hindi nagsalita ang lalaki at iniangat lang ang kanang-kamay. Nakita ng guard ang hawak nitong card at mabilis na tumabi para buksan ang pintuan. Ibinaba ng lalaki ang kamay at diretsong pumasok sa loob. Nagsara naman ang pintuan sa kanyang likuran. Sandali itong napatingin sa gilid para tanawin 'yon.


Maya-maya ay muli siyang humarap. Madilim sa kabuuan ng kwarto at wala itong nakikita, but he could feel the presence of some known men around him, "I am here," seryosong tono niya.


"Look, who's here?" boses ng isa pang lalaki. Hindi man kita ang mukha ngunit halatang nakangisi. Unti-unting nagliwanag ang kabuuan ng kwarto dahil sa pagsisindi ng mga pulang ilaw sa apat na sulok na kwarto.


Now, he could see the man in front of him, seated on his chair. Wala itong pang-itaas at naka-itim na pantalon lang. Nangingintab ang pinagpapawisan nitong dibdib. Bukod pa roon, may hawak na yosi ang lalaki na 'yon at kasalukuyang humihithit rito. Bukod sa mga pulang ilaw na nasa sulok ng kwarto, may pulang ilaw sa likuran ng lalaking nakaupo kaya't hindi masyadong kita ang mukha nito dahil sa madilim na postura. It's his silhouette.


"Our dearest Hart is finally here," pagngisi ni Mour at tumayo.


Naglakad siya papalapit rito at tinapatan. Hindi niya maiwasang tignan si Hart mula ulo hanggang paa, "Brilliant. You're in an all black outfit instead of wearing a cream one," masama siyang ngumisi. Nakasuot kasi ng puting long sleeves si Hart, itim na necktie, coat at slacks... which is very unusual.


"Are you mourning... because you lost Bella or Miss Velrama?" lumapad pa ang ngiti ni Mour. Muli siyang humithit at nagpakawala ng usok, "So, tell me... after realizing that Bella was always a traitor, what made a lost executive visit VCC's hideout? Based on what we know, you had cut your connections with us ever since that woman appeared on your side."


"I admit I have made the biggest mistake, Mour," seryosong tono ni Hart na diretso lang ang tingin dito, "And I am willing to pay for it, but first, I need your help."


Natawa si Mour at napatingin sa tabi ng kinauupuan nito kanina, "Have you heard him, Fortunehill? Mr. LeFevbre is asking for our help," hindi makapaniwalang saad niya.


Mula sa katabing upuan ni Mour kanina ay may isa pang upuan sa kanan kung saan okupado. Tumayo na rin ang isang lalaki mula roon at tumigil sa tapat nila, "Are you finally back, Zavi?" tanong ni C-El na tinanguan ni Hart.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon