I don't know how I got here. Basta ang alam ko lang, sinubukan kong buksan ang pintuan, and to my surprise, it was unlocked. Dahan-dahan akong humakbang pasulong. Dim red lights were at the four corners of the room. Hindi masyadong maliwanag but it's enough for me to look around.
Mabilis akong napatingin sa likuran nang magsara ang pintuan. I looked in front once again, at inilibot ang tingin habang mabagal ang paghakbang. The first thing that caught my attention, is none other than the picture frames on the wall. This room is like the main hideout of the VCC members. Katulad ng abandoned factory nila.
Kinapa ko ang gilid ng pintuan at mukhang may switch dito ng ilaw. Pinindot ko ito hanggang sa mas magliwanag pa rito sa loob. Nadagdagan ang mga pulang ilaw kaya mas nakikita ko na ngayon ang kabuuan ng kwarto.
Sa pinaka-sulok, may bar table at tatlong upuan. Several wines are there at kumunot ang noo ko nang mapansin na tila pamilyar ito. Humakbang ako papalapit sa bar table na may kataasan. Marami ring wine glass at baso na nakabaliktad sa tabi ng mga wine. I took one wine at maayos na tinignan.
"Novellino sparkling red?" wala sa sariling saad ko. Tinignan ko pa ang mga kasama nitong wine, "How come puro paborito kong wine ang mga nandito?" pare-pareho ang mga wine.
Naupo ako at binuksan ang wine sabay salin sa isang wine glass. I know I shouldn't be drinking in an unknown and strange place but I can't help. It's my favorite kasi eh. I took one sip at hinalo-halo pa ang wine sa baso. After grabbing a second sip, kusa akong napatingala.
Natigilan ako sa pag-inom at natulala nang makita ang isang napakalaking picture frame na nakadikit sa pader. Mula roon ay lumibot ang tingin ko pakanan, mas maliliit ang ibang litrato kumpara sa katapat ko. Inilapag ko ang hawak na wine glass sa lamesa at kusang napatayo. Lumibot ang aking paningin sa kabilang pader hanggang sa kusang gumalaw ang aking mga paa. Huli na nang mapagtanto kong iniikot ko na ang kabuuan ng kwarto. Tila umurong ang dila ko.
Am I seeing the right thing or am I just being delusional? Tell me neither.
Mula sa pader ay bumaba ang tingin ko sa mga lamesang nasa sulok. Hindi sila lamesa na para sa hapag-kainan kundi para sa mga display. They are more like a stand with glass containers. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil puro gamit ko ang nasa loob ng mga salamin na 'yon.
"These were the things included in my baggage, dba?" wala sa sariling tanong ko. Ilang beses pa akong kumurap para lang siguraduhin kung tama ba ang mga nakikita ko.
If I could still remember, noong pinadala sa akin sa Canada ang maleta ko ay kulang ang mga ito. The things that were missing there are all here. How come? Napatingin ako sa likuran kung saan nasa pinaka-gitna ang isang lamesa na may salamin din na container. Humakbang ako papalapit rito. Nagawa ko pa itong ikutan. Nasa likuran ko na ngayon ang pintuan.
"My pastel pink sandals and rosary?" hindi makapaniwalang tanong ko, "Bakit nandito ang mga gamit ko?"
Bigla akong napatingala nang makarinig ng pagbubukas ng isang pintuan. Naaninag ko sa aking harapan kung nasaan ang pader, ang pigura o anino ng isang lalaki na nasa may pintuan. Hawak nito ang doorknob.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024