Chapter 75: Weaker Side

38 3 0
                                    


"Ilang oras ka magbabantay dito?" bulong ko sa pulis na nakabantay sa pintuan ng selda ni Hart. Nilakad ko pa ang kabuuan ng isang napakahabang hallway papunta rito. Akala mo naman ay magpruprusisyon ang mga bibisita sa kanya. Sa dulo ng hallway ay isang metal na pintuan at nandito ako ngayon sa tapat nito.


"Mga dalawang oras lang po, mam," sagot niya.


"Ha? Dalawang oras lang?" hindi ko magawang hindi magtaas ng boses, "Ibig sabihin ba ay dalawang oras lang kami makakapag-usap ng pinsan ko?"


"Tig-dalawang oras ang palitan ng mga nagbabantay kay LeFevbre, mam. Yun ang utos ng chief of police."


"Utos ng matandang Razon ang sabihin mo. Osya, sabihan mo 'ko kapag aalis ka na o kung may tao," lumapit ako at itinuro siya, "Tandaan mo, walang ibang pwedeng makaalam na may bisita ang pinsan ko. Kukutusan kita makita mo."


"Oo na, mam. Pasok na sa loob," sabay bukas niya ng pintuan at irita pa ang boses. Napakamot pa ito ng ulo. Bobo talaga. Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad na papasok. Sinara niya naman agad ang pintuan.


Natagpuan ko namang nakaupo at nakayuko ang isang lalaki sa harapan ko. Nakaharap siya sa akin. Sa harap niya ay isang metal na lamesa, katulad ng inuupuan niya. Ang mga kamay nito ay nasa lamesa. Naka-posas ang bawat isa sa gilid ng lamesa. Nakayuko siya at nakapikit ang mata.


Sa loob ng tatlong taon ay ngayon ko lang siya ulit nakita ng personal. Ang laki ng pinayat nito. Bukod pa roon, puro siya sugatan at may pasa, "Ano? Binubugbog ka ba rito?"


Nakuha niya akong tingalain. Halos mapanganga ako nang magtama ang mata namin. Shettt!


"Huwag mo sabihing hindi ka rin pinapakain at natutulog?" tignan natin kung magsasabi ito ng totoo sa akin.


Bahagya siyang ngumiti. Mukha ngang kahit sa pagngiti ay masakit sa bibig niya, "You're back, Ysha."


"Yes, I am back. Syempre, ako pa ba?" hinila ko ang upuan sa tapat ko at naupo. Sumandal ako at nagkibit-balikat, "Okay ka lang ba?" nagtaas ako ng kilay at nginitian siya, "Kung hindi ko lang binayaran ang ibang mga tao rito, hindi ko pa malalaman ang sitwasyon mo. Hart naman, nilalason ka na, kinukulong at tinatrato na parang hayop, pero okay lang sayo? Nabobo ka na ba?"


"Maybe," natawa siya ng bahagya.


"Maybe? Jusko ka," napakamot ako ng ulo, "Kung wala akong koneksyon rito sa loob, sino ang iba pang makakaalam ng sitwasyon mo? Wala? So magpapakamatay ka rito sa loob?" hindi ko ba alam kung napano siya at hinayaan niya sila na ganituhin siya. Hays. Nabobo na ata talaga siya.


"How is she? And her life in Canada?"


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon