Chapter 24: In His Arms

108 5 0
                                    


"O-Ouchh," I almost whispered. Nagising akong sobrang bigat ng katawan, maski ang mga mata ko ay hindi masyadong mabuksan. Maliban kasi sa direktang tumatama sa akin ang sikat ng araw, it feels like pinipiga ang ulo ko. Para akong pinapainitan sa isang kawali dahil sa sobrang init ng aking pakiramdam sa loob.


However, outside, I feel so cold. I am almost thinking that I am dead and fighting for my life. Tumagilid ako nang salubungin ng araw ang aking mata. I can't bear looking at it. Dahan-dahan kong ginamit ang isang palad para humawak sa sahig at piliting maupo.


My body feels heavier than before and yesterday. Hirap na hirap na ako. I could also feel like my face and body is sore. Bagsak na bagsak ako yet, I have to stand.


No matter how hard this will be, I have to stand for myself. Walang ibang magtatayo sa akin kundi ako lang din. 


Dahan-dahan, nagawa kong makaupo habang nakasangga ang isang kamay sa sahig. Tahimik akong napadaing. I looked at my body at puno ako ng sugat. Nangingitim na rin ang ibang parte ng aking katawan as if I've been beaten multiple times. Hindi nga ba? All I could assure right now is that I am numb, inside and out.


Dahan-dahan akong humawak sa gilid ng kama. Now, I realized that I was lying on the cold floor, beside the bed. Walang ibang tao kundi ako lang. Using my feet remaining strength, pinilit kong tumayo. I used the strength of my hand to guide my body upon standing up. It's so hard, and I can't even move my body freely.


I almost fell on the floor the moment my feet stood up. Thankfully, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama kaya doon ako napahiga. Ito ang sumalo sa akin. I don't have much strength. Hindi ko mabuksan ng maayos ang mata ko. My stomach started making noise. I don't know if I am starving o mahapdi ang tyan ko.


I heard the opening of the door. May mga mabibigat na hakbang na papalapit sa akin. The moment it stopped before me, I opened my eyes at napalunok. It was him. Nakatingin siya sa akin habang nakatagilid akong nakahiga sa kama. May dinukot ito sa kanyang bulsa, isang cellphone.


I may not clearly hear it but I know someone's calling him. He answered it, "Hindi ko na magagawa ang plano kay LaFevbre, nalaman ng sekretarya ang plano ko. T*ngina kasi. Masyadong pakielamera," matatalim ang tingin nito sa akin.


Hot liquids started coming out of my eyes. I didn't even realize na nasasaktan na ako dahil sa paraan ng pagtitig ni Jansen sa akin. He was not the person I used to love. Nagbago siya, or maybe, he was not really the man that I loved. He put on a mask para makuha ang loob ko.


"Anong gagawin ko rito? Hindi na sila pwedeng magkita, panigurado kakalkalin ng lalaking 'yon ang nangyari dito. Hindi niya pwedeng malaman ang plano," nakipagtitigan lang ako sa kanya nang hindi gumagalaw sa aking pwesto.


"Understood," ibinaba niya ang cellphone.


Sapilitan niya akong hinawakan sa braso at hinila patayo, parang lantang gulay akong napasunod sa ginawa niya. Halos mapasigaw ako sa sakit nang marahas na tumama ang likuran ko sa pader nang itulak niya ako roon. Napahawak ako sa magkabila nitong kamay nang hawakan niya ako sa leeg, "T*ngina kasi, Shee. Kung hindi ka bigla-biglang pumasok sa condo ko, hindi ko 'to gagawin," may gigil sa boses nito.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon