"What is this?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang pabagsak na inilatag ng boss ko ang isang makapal na folder sa kanyang lamesa na siyang naka-pagitan sa amin. Nakatayo ako sa harapan nito habang nakaupo naman siya sa tapat ko. Kasalukuyan kaming nasa opisina niya.
Hindi man siya naninigaw ngunit sa seryosong tono pa lang nito ay alam kong galit siya. What more could I expect?
"Report ko po for this month, sir," sagot ko. Sinubukan kong makipagtitigan sa mga titig niyang matatalim pero hindi ko magawang tignan siya ng matagal. Unti-unting bumibilis ang kabog ng aking dibdib.
"Is this what you call a report? I can't even see the essence, Miss Velrama," itinaas niya ang makapal na folder gamit ang isang kamay na tila pinapakita 'yon sa akin, "Parang gawa ng elementary," inilapag niya ulit 'yon sa lamesa.
As far as I know, I did that report using my very best. Pero bakit ganito siya magsalita? Hindi ba patok sa kanya ang best ko?
"Sir, sinunod ko naman po 'yong sinabi niyo. I have included the sales, profit and revenue for this month, including yung mga expenses sa charity events. The report is formal yet, comprehensive."
"I know you've worked for Razons Corporation for years, pero hindi mo pwedeng gawin dito kung paano ka magtrabaho sa kanila. I cannot accept this kind of report, Miss Velrama," idinikit niya ang hintuturo sa folder nito. I can't help but look at his white mask.
"Ano po bang kulang, sir? Aayusin ko na lang and I'll do some revisions," sagot ko na lang. Of course, siya ang boss kaya kung ano ang gusto niya, siya ang masusunod. Alam niya ba kung ilang gabi akong hindi natulog para lang sa monthly report na 'yan?
"I told you to give me a monthly report. However, I do not remember asking you to submit a document like this. Are you even thinking?" seryoso ang tono niya, maski ang tingin nito.
Nagsalubong naman ang kilay ko, "A-Ano po ba dapat ang ipasa ko?" napapaisip kong tanong. Mali ba na nagpasa ako ng makapal na folder? Hindi niya ba gusto?
"Miss Velrama, I am a dyslexic person. I can't properly read what's the content of this document. I'd feel dizzy kapag pinilit kong basahin ang mga nakasulat dito. You used the font size of 9. Sa tingin mo ba mababasa ko pa 'to? Dikit-dikit ang mga letra sa paningin ko," kaya pala suot nito ang silver niyang salamin na may chain strings pa.
Halos mapangaga ako sa sinabi niya, "A-Ay sorry po, sir. Nawala po kasi sa isip ko," mabilis kong kinuha sa lamesa niya ang nag-iisang folder. Nabanggit na nga pala ni Ysha 'yon, bakit ko nakalimutan?
Napahilot ito sa sentido at ngayon ay nakayuko. Nakapatong ang isang siko niya sa arm chair. Nahilo na nga ata talaga siya dahil sa ginawa ko. Nasanay kasi ako na nine ang font size na ginagamit dahil ganon ang pinapagawa sa akin sa Razons.
"Napaka-simpleng bagay, hindi mo matandaan," sabay tingala niya sa akin, "Sa susunod, gamitin mo 'yang isip mo."
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024