Chapter 20: Fast Comeback

105 5 0
                                    



Sa lakas ng tunog ng alarm clock, halos mapatayo ako sa gulat na maski ang pananaginip ko ay naputol at nabulabog. Dali-daling hinanap ng aking mga kamay ang cellphone sa lamesa habang nakapikit pa. Nang makuha ito ay agad kong pinatay ang alarm clock at nahagip ang oras.


D*mn, it's 7 am sharp. Late na ako sa trabaho. Mabilis kong binitawan ang cellphone ko. Aktong tatayo na ako, pakiramdam ko ay halos mawawasak na ang ulo ko sa sobrang sakit, "Sh*t," bulong ko habang nakahawak ang isang kamay sa ulo at hinihilot ito.


Why does my head hurts so much?


Ang bigat ng katawan ko at parang hirap akong tumayo. Hindi naman ako nilalagnat ah? And wait, what did just happen yesterday? As far as I remember, wala ako sa casino at kasama ko si Jansen sa kotse.


And after, what happened? Why do I feel like lutang ako? I can't even remember a single thing. In a snap, a flash of memory came. I remember kissing someone. Is it Jansen? Siya lang naman ang kasama ko kahapon, right? At sa kotse lang naman niya ako sumakay?


Uh, I hate this feeling. Wala akong matandaan. Did I consume alcohol kaya ganito ang pakiramdam? I don't even do that.


Even so, I still gaslighted myself na iniisip ko lang na mabigat ang katawan ko at masakit ang ulo ko. Maybe because tanghali at late na ako nagising kaya ganito ang aking pakiramdam. My body might not get used to it, ang magising ng tanghali.


I forced myself to stand up and took a shower instead. Minadali ko na lang din ang preparation since I am so late na. Patay ako kay Hart neto.


Ni hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi but as I look at myself on the mirror, nakapantulog ako at maayos naman ang sitwasyon. I'll think about this later na lang. Ang mahalaga, makapasok ako agad.


"Good morning, Mam Shein! Late ka ah!" bati ni kuyang guard pagkapasok ko pa lang. Halatang nang-aasar ito at hindi makapaniwalang late ako, eh madalas, considered early bird naman ako dito sa opisina.


"Good morning po kuya! Something came up kasi. I'll go ahead na," alibi ko na lang kaya tinanguan niya ako. Maski ang nasa counter ay binati ako.


"Good morning, Miss Shein!" bati ng mga nakakasalubong ko. Can't help at nginitian na lang sila dahil sa pagmamadali ko. Tho my head hurts pero hindi ko nalang masyadong pinansin. Work is more important. Ano bang nangyari kagabi and I feel this unusual thingy?


I took the elevator and went straightly to the third floor kung saan ang office ni Hart. Pagbukas nito, mabilis kong sinulyapan ang baba ng pintuan ng opisina ni Hart. Ghad! He's already here. I could see the light inside the office.


Lumapit na ako sa table ko at inayos ang mga gamit. I immediately opened the mac monitor at naupo. Kinuha ko ang dala kong aquaflask at nainom because right now, I am telling you na hinihingal ako dahil sa pagmamadali. Maayos muna akong sumandal sa kinauupuan kong swivel chair habang pinapakiramdaman ang pagdaloy ng tubig sa aking lalamunan. I have to make some excuses once magtanong ang boss ko kung bakit almost one hour akong late.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon