Chapter 29: Please You

89 3 0
                                    


"La, nandito na po ako," saad ko pagkapasok ng kubo. Matapos ang pangyayaring 'yon, napagpasyahan kong mag half-day na lang sa carinderia at umuwi na. Buti at mabait si Aling Tes kaya pinayagan ako. Sinabi ko sa kanya na masakit ang ulo ko. Buti at naniwala naman siya. Simula kasi nang makasagutan ko ang babae na 'yon ay nawalan na ako ng gana.


May mga tao talaga na kapag nakikita natin ay nasisira ang araw natin. In short, panira ng araw.


"Oh Shee, nandito ka na pala," salubong ni lola sa akin, "Ang aga mo ata ngayon, apo?"


Inabot ko ang kamay nito para magmano, "Sumama po kasi ang pakiramdam ko, La. Mano po," pagkamano ko ay sabay ko ng iniabot sa kanya ang isang plastik na dala ko.


Tinignan niya 'yon, "Ano 'to?" nang makita ang nasa loob ay tiningala niya ako kaya nginitian ko siya, "Ano ka ba naman? Hindi ba sinabihan na kita na hindi mo na kailangang gawin 'to?"


Nagbuntong-hininga ako, "La, kailangan niyo pang magpalakas. At isa pa, sapat naman na yung kinikita ko sa carinderia para mabilhan kita ng pagkain at gamot araw-araw," umupo ako sa may sofa na nasa likuran niya lang at nag-alis ng sapatos.


"Eh paano ka?" lumapit siya sa akin. Ipinatong niya ang plastik sa maliit na lamesang nasa harapan ko at naupo sa tabi ko, "Ang ganda-ganda na ng trabaho mo sa syudad. Bakit mas pinipili mo pang magtagal dito at magpakahirap sa carinderia, apo? Kung ako lang ay huwag mo na akong isipin. Unahin mo ang sarili mo."


"Lola," hinawakan ko ang kamay niya, "Dba nasabi ko naman sa inyo? Halos naubos na yung ipon ko para sa pagpapagamot ni mama sa hospital? Kaya hindi rin ako makaalis dito at saka hindi na kita maiwan, wala kang kasama. Hindi ka na malakas at kailangan mo ng kasama, ok?" imbes na maghanap ako ng iba niyang makakasama, mahirap magtiwala sa ibang tao. Imbes na ipasahod ko ay pwede ko ng mapambili ng gamot niya. Baka saktan pa si lola o kung ano lalo na't matanda na ito.


"Ikaw? Hindi ka ba hinahanap ng bestfriend mo?"


Sandali akokg napaisip at nginitian siya, "Hindi ko rin po alam. Anim na buwan na kaming hindi nagkakausap."


"Bakit hindi mo muna kaya siya balikan, Shee?" pinisil ni Lola ang kamay ko, "Hindi ba sabi niya ay hihintayin ka niya? Baka nakahanap na 'yon ng bago para sa posisyon mo."


Sa anim na buwan ay ni minsan hindi ako nakatanggap ng mensahe galing kay Hart. Ni message o call ay wala. Hindi na rin ako nag-abala na kontakin siya, baka masyado siyang abala sa maraming bagay.


Sino ba naman ako para kontakin niya hindi ba?


"Hindi naman po siguro niya gagawin 'yon, La," pilit akong ngumiti. Hindi naman siguro masyadong naging busy si Hart ngayon dahil siya ang gumagawa ng trabaho ko no? Sigurado ay tatawagan niya ako kung sakaling maghahanap siya ng bago, at hindi ko siya masisisi. Nagkataon lang talaga na may mga bagay ako na mas kailangang unahin kesa ang bumalik sa kumpanya.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon