(A/N: Happy Anniversary to this unplanned story of mine.)
"Apo, kamusta na nga pala kayo nung bestfriend at boss mo noon?" tanong ni Lola habang nakaupo ako sa lamesa at nakaharap sa aking laptop. Maaga kasi akong nagising para ituloy ang pagtratrabaho kahit nandito ako sa Pilipinas. First of all, I didn't come here naman talaga to take a vacation.
Nainom muna ako ng kape sa tasa na nasa gilid lang ng lamesa, "La, pwede po bang huwag niyo na siyang banggitin sa akin?"
Ibinaba ko ang hawak sa lamesa at muling humarap sa laptop. I am in front of never-ending numbers. May mga papel rin sa harapan ko at isang calculator. Mabuti na lang at gumagana pa ang laptop ko noon na iniwan ko rito. Luma na nga ito eh at hindi ko aakalaing pwede pa pala. Naki-connect na rin ako ng wifi sa kapitbahay at magbabayad na lang ako.
"Bakit, may problema ba?" pumunta siya sa aking gilid at hinawakan ang isa kong balikat.
Hinarap ko naman ito, "La, malaki po ang naging problema namin ever since pumunta ako ng Canada. Ayaw ko na pong pag-usapan ang tungkol sa nakaraan," humarap ako ulit sa laptop and started computing math numbers using my calculator.
"Paano ka nga ulit nakalipad doon sa Canada, apo?" napatingin ako sa kung saan at natigilan habang nagsusulat sa papel.
Dapat ko rin bang tanungin ko sa sarili ko kung paano ako nakalipad ng Canada?
"Noong tinawagan mo ako ay nandoon ka na agad," dagdag pa nito.
Hinarap ko siya na nananatili pa ring nakatayo sa aking tabi, "S-Si Ysha, La. Siya po ang tumulong sa akin kaya nakaalis ako," binalikan kong muli ang aking ginagawa. Mas magandang dito ko na lang ipokus ang sarili kaysa sagutin ang mga tanong na maski ako ay hindi alam ang sagot.
"Ganon ba? Mukhang mabait si Ysha, apo. Masaya ako para sa'yo."
"Salamat, La," nginitian ko lang siya.
"Gusto ko lang sanang kamustahin ang dati mong pinagtratrabauhan dahil noong araw na nabalitang ikaw ay inosente, makalipas ang ilang buwan ay umusbong ang black chips doon sa Manila, maski dito sa atin at sa ibang probinsya ay ginagamit na ito sa mga sugalan. Eh hindi ba sa casino ang trabaho mo noon?"
"Black chips, La?" hinarap ko siya at nagsalubong ang kilay.
Tumango ito, "Oo, apo."
"Saan o kanino daw po galing?"
"Hindi ko alam. 'Yon ang inaalam ng ibang negosyo dahil kung sino man ang nag-imbento noon ay tiyak na malaki ang kita. Wala ka bang nabalitaan tungkol doon?"
Umiling ako, "Wala man po," sandali akong napatingin sa kung saan, "Pero parang nakakita na ako ng black chips doon sa Canada, La. Sa Grande Casino— " kusa akong natigilan nang may maalala.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024