"Nurse."
"Yes po, mam?" hinarapan ako nito. Napansin ko kasi na kakapasok niya lang sa kwarto kung nasaan ako at patuloy siya sa pagcheck ng mga kung anong nakatusok sa akin.
"Yung kasama ko pong lalaki? Nasaan? Kamusta na siya?" I woke up in this room already and to my confusion, mukhang nasa ospital ako. The moment she entered my room, through her outfit, I just confirmed na nasa ospital nga talaga ako. I started reminiscing what happened before at malinaw pa ito sa alaala ko. Naaksidente kami ni Hart.
"Nasa ground floor po siya, mam. Ginamot lang po ang iilan sa mga sugat nito at chinecheck lang ng mga doctors natin kung may internal bleeding po ba sa kanya."
"Ganon ba?"
"Pinapasabi niya po pala, na pupuntahan niya raw po kayo kapag tapos na nila siyang icheckup," tumango ako at nginitian siya.
"Good to know he's fine. Sige, salamat ah?"
Ganon din naman ang ginawa sa akin ng nurse, "Sige po, mam," tumalikod siya at lumabas na ng kwarto.
Sa pagbukas nito ng pinto, isang babae ang sumalubong sa kanya, "Hi nurse, dito po ba si Ate Shein?" tanong nito sa nurse at napatingin sa gawi ko.
Nang magtama ang mata namin ay nagpalitan kami ng ngiti. Inilahad naman ako ng nurse sa kanya, "Nasa loob po, mam."
Tuluyang pumasok ito kasama ang anak niyang napaka-cute hanggang sa magsara ang pintuan, "Ate Shein!" abot-tainga ang ngiti nito na nilapitan ako.
"Xeanna! Nakarating kayo!" hindi ko rin mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanila. Hawak-hawak niya si Xien sa kamay hanggang sa maupo si Xeanna sa upuan na nasa tabi ko.
"Dali, hug tita, baby," saad nito na ginawa naman ng anak niya. Ako na ang naunang yumakap kay Xien na ngayon ay tumaba ng konti at cute pa rin.
"Hmm, nakakagigil!" saad ko na halos hindi na ito pakawalan.
"Tita, we bought you fruits po," lumayo si Xien at inilahad sa akin ang hawak nitong plastik na puno ng prutas. Nakasuot din siya ng facemask.
"Awww, thank you, baby. Sige let's put it here na muna," kinuha ko ang plastik at ipinatong sa bedside table. Kinandong naman siya ng mommy nito.
"Buti at nandito kayo? How did you know?" I asked her.
"Natawagan kasi ako ng isa sa mga pulis na nakakita sa sasakyan mo sa daan. Noong una nga ay akala ko wrong number dahil may kasama ka raw na lalaki. Eh sa pagkakaalam ko naman ay wala ka pang jowa, Ate Shein. Kaso nung binasa yung ID mo, nalaman ko na ikaw nga talaga. Sobrang kinabahan ako nung narinig kong naaksidente ka raw, akala ko napano ka na," napasimangot pa siya na nginitian ko.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024