"Get in," saad ni Spade pagbukas niya ng pintuan sa tapat ko. Dala nito ang sasakyan niya at ngayon ay pinapasakay ako sa passenger's seat habang pinapayungan ako. Sumakay na rin ako kagaya ng gusto niya at saka nito pinaharurot ang sasakyan. Iniabot niya sa akin ang suot nitong leather jacket at pinasuot 'yon para hindi ako malamigan lalo na't basa ako ng ulan.
Maya-maya ay tumigil ang sasakyan. Nauna siyang lumabas at binuksan ang pintuan sa tapat ko, "Follow me," saad niya. Sumilip ako sa labas at medyo madilim sa paligid.
Bumaba ako katulad ng gusto niya lalo na't mukhang hinihintay niya ako, "Nasaan tayo?" tanong ko na halos matuyo na ang lalamunan. Binalot ko pa lalo ang sarili sa leather jacket na pinasuot niya sa akin.
Tinignan ko ang paligid at para kaming nasa isang highway. 'Yun lang ay nasa tapat kami ng isang warehouse na mukhang abandonado. Bukod dito ay wala ng iba pang building. Madilim din sa highway at malimit ang dumaraan na sasakyan.
"You'll know soon, just follow me," nginitian niya ako bago tinalikuran. Nung huli kaming magkita ay naka-shades siya kaya ngayon ko lang nagawang makita si Spade sa mata. Madalas man itong ngumiti ngunit may parte sa akin na natatakot tumitig sa mata niya. Tila may babala 'yon. Katulad date ay may lollipop pa rin siya sa bibig na isinubo niya kanina sa sasakyan. Ganon pa rin ang suot niya, white long sleeves, itim na tie at necktie. Mukhang galing siya sa trabaho.
Sinundan ko siya nang maglakad ito papunta sa gilid ng warehouse. Hindi kami sa harap dumaan. Dahil sa dinaraanan namin ay mas lalong dumilim sa paligid, isali mo pa na malamig ang simoy ng hangin dahil kakatila lang ng ulan.
"Spade," hinawakan ko siya sa damit kaya natigil ito. Hinarap niya ako, hindi ko masyadong makita ang mukha niya, "Saan mo ba talaga ako dadalhin?" inilibot ko ang tingin sa paligid, "P-Para kasing liblib na lugar 'to," hindi na maganda ang pakiramdam ko rito.
"Tanda ko pa na sinabi mo date sa akin na huwag kong sasabihin kay Hart na nagkita tayo o nakilala kita. Bakit ngayon, nagpakita ka sa akin?" ilang segundo siyang tahimik. Hindi ko makita ang mukha niya.
"Don't worry, this is not a dangerous place for you, yet," sagot niya sa seryosong tono kaya humakbang ako paatras.
"H-Hindi na ako sasama. Salamat na lang," tumalikod ako at naglakad.
Isang kamay ang pumigil sa braso ko kaya hinarap ko siya, "If I tell you that LeFevbre is inside, would you still leave?"
"Hart never goes to a place like this," pag-iling ko na tinanaw ang paligid, "Kaya hindi, hindi ako sasama sa'yo."
"He told me to find you and bring you here."
Natahimik ako, "Totoo ba talaga?"
"Yes, to hide you from the police."
Unti-unti ko siyang hinarap kaya binitawan niya ako, "Let's go," tinalikuran niya ako at nag-umpisang maglakad. Hindi man ako komportable sa ganitong lugar pero susubukan ko. Sa takot na maiwan ay patakbo akong lumapit sa likuran niya. Baka nga nandito talaga si Hart.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024