Chapter 38: To Push Through

67 3 0
                                    


"Masakit pa rin ba ulo mo?"


"Yes."


"Uminom ka na ng gamot or do we need to stop to the nearest drugstore here?" patingin-tingin na siya sa paligid.


"No. Uminom na ako kanina," kaya medyo masama ang pakiramdam ko ay malamang dahil natuyuan ako sa ulan kahapon.


"Okay. Rest after your task there. Nga pala, I can't stay there and wait for you," iniabot ni Spade sa akin ang isang cellphone habang abala sa pagdra-drive at sa daan ang tingin. Nasa passenger's seat ako. Ang isang kamay niya ay nasa manibela.


"What's that?" tanong ko na napatingin sa inaabot nito.


"Wala kang phone. You can borrow my extra cellphone for a while," saad nito habang nakatingin pa rin sa daan.


Taka kong kinuha 'yon mula sa kanya, "Call me if you're done. Susunduin kita,"  binuksan ko ang phone nito, "Tinanggal ko yung lock screen for the mean time. Yung pinaka-una ang number ko sa contacts, para matawagan mo ako agad. If ever someone unknown is contacting, sagutin mo na lang then ask them kung anong kailangan nila sa akin, then inform me."


"Importante naman pala 'tong phone mo, bakit mo pa pinapahiram sa akin?"


What if may tumawag na about business and needs to be attended for urgency, paano 'yon kung nasa akin ang cellphone niya?


"It's fine. I have my main phone here, kadalasan dito nila ako tinatawagan, but just in case may tumawag dyan."


"Fine but what for pa?" hinarap ko siya, "Isn't it I told you na hindi na ako babalik sa hotel mo after this?"


Nakalimutan niya ata ang sinabi ko kanina. At bakit susunduin niya pa ako? Is he being a gentleman now? Anyways, may pagka-gentleman naman siya, he opened the passenger's seat of his luxurious car for me.


"Yeah, in case lang magbago ang isip mo. Kay Hart nga, nagbago ang isip mo last minute eh," napangiti pa ito na sandali akong sinulyapan.


"Iba kasi 'yon," saad ko na nilagay na lang sa bag ang binigay niyang cellphone.


"So, you mean, iba si Hart? Ano bang difference namin ni Hart?"


"Marami. Tinatanong pa ba 'yan, Spade?" diin ko sa huling salita at nakukulitan na.


"Nah, don't call me Spade kapag may ibang tao, Ishee," para ngang komportable na siya na tawagin ako sa ganon, ganon din naman ako sa kanya.


"Wala namang ibang tao," tumingin ako sa likod ng sasakyan niya, "Sana naman hindi ako makita ng mga pulis doon," wala sa sariling saad ko na sumandal.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon