"Good morning, mam," bati sa akin ni Kuya Roger pagkapasok ko pa lang ng building. Sinalubong ko din siya ng ngiti kagaya ng ibinigay niya sa akin. Today is a good day. Ang ganda ng mood ko. Sana lang, walang kapalit ang magandang araw na 'to.
Sometimes, I'm afraid feeling blissful kasi, dahil baka may mangyaring malungkot right after.
"Good morning po, Kuya," siya nga pala ang guard na nagbabantay dito sa office mula 6am to 5pm, naka-white long sleeve siya at may earbuds sa isang tainga. Pagdating naman ng casino hours which is 5pm to 6am, dalawang guard ang papalit sa kanya dito. Mas mahigpit kasi ang seguridad ng building everytime na casino hours. Ang mga pumupunta kasing clients, mga matataas na tao.
"Good morning, Miss Shein," bati ng babae sa counterdesk.
"Good morning!" I also did the same. Ganito talaga ang mga tao dito. Bawal ang nakasimangot. Kailangan ginigreet ang lahat ng may ngiti sa labi, well syempre except sa may ari ng building na 'to. Ewan ko ba don kay Hart bakit kapag minsan parang pasan niya ang mundo at hindi pinapansin ang mga empleyado. Napaka-arte kasi ng lalaking 'yun eh. Daig niya pa ako, girl.
Dumiretso na ako agad sa tapat ng elevator at hinintay na bumukas. Kulay cream pala ang building ngayon. Pinasadya kasi talaga ni Hart na parang camouflage 'to. Sa umaga, cream color, kapag naman dumidilim na, unti-unting nagiging itim ang kulay ng building. Galing no? Baka Magnus 'yan. That person's mind is too far, minsan parang labas na sa mundo ang galaw ng pag-iisip niya. Nakakainis but he's too clever para kainisan ko siya lalo.
I came back to reality nang tumunog ang elevator. Pagtingala ko, agad kong nakilala ang isang babae na papalabas doon, "Miss Shein!" nanlalaki pa ang mata ni Cassie na mabilis humakbang palabas. May yakap-yakap siyang sandamakmak na mga folders at may kataasan din.
"Ayos ka lang ba? You need help?" tanong ko. Baka need niya ng tulong, mahirap na kapag nadapa siya, marami-rami ang magsisiliparang mga papel.
"A-Ahh hindi na po," taranta ang isang kamay niya na parang may hinahanap na papel o folder sa gitna ng mga hawak niya, "Eto po pala," sabay abot niya sa akin ng isang folder.
Doon tumama ang paningin ko at kinuha, "Yung pinapagawa niyo pong letter sa finance department regarding sa feeding program ng company for the next month. Ready na po yan for approval kay Sir."
"Oh really?!" bigla akong napatingin sa kanya, "How come natapos agad?" I just can't believe it, "Kakabigay ko lang nito last week, tapos na agad?" nasanay kasi kami ni Hart na makupad sila. Well, yeah true naman. Medyo pagong ang galaw ng sa finance dahil halos matatanda na ang nandon. Ayaw naman tanggalin ni Hart dahil most trusted daw sila. Hindi nga ata niya tinanggap ang retirement at resignation nila eh. In fact, dinoble niya ang sahod ng mga 'yon to keep them away from leaving.
Ang lala niya.
"Ah opo eh," napakamot siya gamit ang isang kamay, "Tinapos ko na po dahil alam ko naman na ipagpapabukas nanaman ni Sir Ian 'yan, este Lolo Ian po," natatawa niyang bulong.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024