Chapter 85: Final Hearts

165 5 3
                                    


I was busy eating an apple habang nakaupo sa gilid ng hinihigaan. May binili lang kasi saglit sa labas si Xeanna kasama si Xien, pinasamahan ko na sila kay Ysha at buti naman ay pumayag itong isa. Gusto ko muna rin kasing matahimik kahit saglit lang, you know naman si Ysha, ang gulo at ang ingay pa.


Napatingin ako sa pintuan at napangiti dahil akala ko ay nakabalik na sila. Instead, ibang tao ang bumungad sa akin. Isinara niya ang pintuan at naglakad papalapit sa akin. Tuluyan namang nawala ang aking ngiti habang nakatingala sa kanya. Nakatayo ito ngayon sa aking harapan.


"For you," bigla siyang may iniabot sa akin kaya doon nabaling ang tingin ko. It's a bouquet of pink tulips. Agad ko itong inamoy katulad ng ginagawa ko sa opisina, "Kapareho 'to ng natatanggap ko palagi sa office ah?"


Unti-unti siyang ngumiti hanggang sa manlaki ang mata ko, "Don't tell me, sa'yo galing ang lahat ng 'yon?"


"Why?" nilagpasan niya ako at hinila ang upuan bago naupo sa gilid ko. Kaharap ko siya ngayon, "Are you expecting someone else to give you flowers?" nagkibit-balikat siya at sumandal.


Umiling ako, "Hindi naman pero that was so unexpected. Ikaw pala yung sinasabi ni Mr. Dash na special friend niya?" hindi makapaniwalang saad ko at napangiti, "Bakit hindi sinabi ni Mr. Dash na sayo pala galing ang mga tulips?" tinignan ko ng maayos ang mga bulaklak na nakapatong ngayon sa hita ko.


"I told him not to tell you, Shee. That's why."


"Salamat ah?" malapad ang ngiti kong tinignan siya.


"You like it?"


"Oo naman. No one gave me flowers before. How did you know na tulips ang favorite ko?" I asked.


Sandali siyang napatingin sa sahig, "I just know. In fact, we were together for so long. Kahit hindi mo sabihin, alam ko."


"Oh, that's so thoughtful of you, Hart. Okay ka na ba? How are you?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.


"I am good," nakasuot lang siya ng puting long sleeves na medyo madungis at itim na slacks. May band-aid sa kanang-pisngi niya at halos pagaling na rin ang mga sugat niya noon, "And you?" he scrutinized me also from head to toe.


"Okay din naman," unti-unting naglaho ang ngiti ko nang maalala ang nangyaring aksidente. Napatitig ako sa kanya ng wala sa oras. Yung maskara na suot niya... sa kanya ba talaga 'yon?


"Why didn't you tell me na ikaw pala ang kasama ko sa 17th floor?" I asked out of nowhere.


Naging seryoso na rin ang mukha niya. Napayuko siya bago ako tiningala, "Because of this, Shee," nagkatinginan kami, "Ayaw kong magtanong ka."


"Yet I am already asking and I deserve to know the answer."


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon