Chapter 41: Realization Hits

73 4 0
                                    



—Abala ito sa pakikinig ng musika at pagmamaneho. Nakalagay ang cellphone nito sa phone holder malapit sa manibela. Ang kaliwang kamay naman ay abala sa manibela. Humina ang musika at nag-ring ang cellphone na agad naman niyang sinagot, "Yes? I told you not to call me while I'm driving," he was just wearing a white shirt, black shorts and his shades. Kasalukuyang may nakasalpak na lollipop sa bibig nito. Ang kanyang tingin ay nasa daan.


"Good afternoon, Sir Kvaris. My apologies po, but this is urgent. I am to inform you po na hindi raw matutuloy ang pagvivisit ng mga investors sa real estate. Pinamove po nila yung schedule for the visit the week after next," sagot ng sa kabilang linya.


"What? So you mean, I don't have to be there anymore?"


"I-I'm not quite sure po, sir," mukhang hesitant pa na sumagot ang babae.


"But you said na hindi natuloy ang mga investors, right?"


"Yes po, sir."


"Then I am not going. Just tell my mom. Don't call me again, I'm driving," agad niyang pinatay ang tawag at mabilis na iniliko ang sasakyan para mag u-turn. The music got louder once again. Agad nitong pinaharurot ang sasakyan na siyang dahilan ng ingay sa daan.


After a few minutes of driving, muling may tumawag sa cellphone niya. Nagsalubong ang kilay nito at sinagot agad ang tawag nang makilala ang nasa kabilang linya.


"Ishee? Why are you calling? Tapos na ba yung proposal?" saglit niyang tinignan ang oras sa sasakyan nito, "Aga pa ah?"


"Spade, I saw them here."


He accelerated the car even more. Dalawang kamay na ang nasa manibela, "The police?" seryosong tono niya nang makaramdam ng hindi maganda dahil sa sinabi ng kausap.


"No, Hart and Bella."


Nakahinga ito ng maluwag at binagalan ng konti ang pagpapatakbo sa sasakyan, "I thought may mga pulis dyan. So what's up? Anong nangyari sa dalawa? Have you talked to Hart? What did he say?" sunud-sunod niyang tanong.


"Hmm, yes," sandaling natahimik.


"Oh anong sabi niya?" abala pa rin sa daan si Spade.


"Mour was right. Bella left him hanging here. Hindi na raw siya sasama sa proposal since it was her plan all along to make him believe about it."


"So she finally left Hart?" ngumiti si Spade, "That's a good thing."


"But a bad thing for me, Spade."


The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon