Chapter 4: I never thought

261 7 0
                                    

Light.



Bigla akong naalimpungatan nang marinig ang malakas na pagkidlat. Mahangin rin at malamig sa paligid. Sa sobrang pagod at antok ko, ngayon ko lang ata napansin na malakas na pala ang ulan.



Just like what I thought, nananaginip nga talaga ako. Being with that man was all a dream.



I have to wash the thoughts away at mabilisang bumangon sa aking kama. Liliparin na ang tinitirhan ko, hindi ko pa alam. Ano ba yan? Ngayon ko lang din napansin na halos basa na rin ang hinihigaan ko. Mula kasi sa pawid na bubong ng tinitirhan ko, pumapasok at pumapatak ang tubig. How unlucky of me.



Naliligo na ako sa ulan, maganda pa rin ang panaginip ko. Maski ang kumot ay basa na rin. Agad akong tumayo at kumuha ng twalya para itakip sa aking ulo. Lumabas ako ng kwarto. Sobrang lakas ng hangin. Minsan ay kumikidlat pa at kumukulog. Sa gulat ko nga ay pumipikit na lang ako para hindi ako lalong kabahan sa kidlat. I have to be strong. Dapat ay sanay na ako sa ganitong bagay lalo na't sanay akong mag-isa... for how many years that I've been alone.



Itinabi ko ang mga dapat alisin na gamit at mga kaldero sa kusina dahil nababasa na rin ang mga ito. Pati nga ang ulingan na pinaglulutuan ko, basa na, including the woods na ginagamit ko sa pagluluto. Hays.



Out of nowhere, ang mabilis kong paggalaw sa pagtatabi ng mga gamit ay biglang natigil. Para akong na-estatwa at inilibot ang tingin sa paligid. Basang-basa na ang lahat ng gamit ko. What's the use kung liligpitin ko pa? Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.



Malakas man ang ulan, nagpasya akong lumabas. Hindi na rin ako nagpayong at tanging ang twalya lang sa ulo ko ang tanging naging panangga ko. Naglakad ako papalayo sa tinitirhan ko at hindi maiwasan ang maputik na daan. Kailangan ko ring mag-ingat dahil madulas. Hinarap ko ang bahay at maayos na tinignan. Kaya pala halos mabasa na ako, medyo natatangay na ng hangin ang pawid na bubong.



"Ate Shein?" malakas man ang ulan, dinig ko ang pagtawag sa akin ng kung sino.



Tumingin ako sa likuran at namukhaan siya agad. Halos tangayin na nga rin ang payong niya, "Xeanna?"



"Anong ginagawa mo dyan? Bakit hindi ka pumasok sa loob?" tanong niya. Halos magsigawan na rin kami dahil sa lakas ng ulan.



"Tinitignan ko kasi kung kakayanin pa ba ng bahay ang buhos ng ulan."



"Bakit hindi mo pa kasi pinapalitan ng bubong ang kubo mo? Hindi mo ba alam na may bagyo ngayon?"



"Hindi eh," pag-iling ko.



"Ikaw naman kasi, ang ganda-ganda ng trabaho mo bakit hindi mo man lang magawang ipaayos ang bahay mo— este kubo, hindi man nga bahay yan eh, kubo lang 'yan. Samantalang yung pinapalamon mong pamilya, ayon ang ganda-ganda ng tirahan. Paniguradong masarap ang tulog tuwing gabi. Eh sayo lang din naman galing ang mga nilalamon nila."



Ganito talaga siya, straight kung magsalita kahit macoconsider na batang ina. Yes, mas bata siya sa akin, twenty years old at pinalayas sa kanila dahil maagang naging nanay.



"Ano ka ba? This is not the time to talk about them. At isa pa, I was willing to give them anything naman, it's not their fault. Ikaw, may bagyo na bakit nasa labas ka? Nasaan si Xien?" parang wala kasi siyang hawak na bata.



"Ah, iniwan ko muna sandali. Naubusan na kasi siya ng gatas, kailangan kong bumaba muna at bumili."



"Ha? Hindi ba delikado kung mag-isa siya?"



The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon