"Luna," kusa akong napangiti nang makita ito. Simula noon hanggang ngayon, whenever I feel alone, Luna is always there for me. Kahit nasaan ako, nandon din siya. No wonder I've been longing to see her, to be with her. I have loved her so desperately. It's so comforting to see her, right?
Napapikit ako dahil tila may mali sa katawan ko. My eyes are halfway open. I don't usually feel this whenever I wake up, why does it feel like something's wrong? Am I dreaming? Why does it feel so heavy?
Unti-unti kong iminulat ng maayos ang mga mata at ilang beses na napapikit. Unlike before, wala ako sa malambot na kama. Mukhang matigas ang kinalalagyan ko ngayon. Not long after, I finally managed to see what I thought was Luna earlier. Ang inakala kong buwan ay isang ilaw pala. All I could hear right now are drops of water coming from somewhere, but where am I kung wala ako sa malambot na kama?
Inalis ko ang tingin sa ilaw nang matanaw ang isang lalaking nakaupo sa aking harapan. Isang lamesa ang nagdidistansya sa amin. Nasa magkabilang-dulo kami nito at magkatapat. My vision was blurry, enough for me not to recognize whoever the man is. Medyo mahaba ang lamesa at nasa dulo siya kaya hindi ko masyadong mamukhaan.
Ilang beses akong kumurap hanggang sa luminaw na sa akin ang paligid. Nasa isang madilim na kwarto ako. May nag-iisang ilaw sa aking tapat. Nanliit ang mata ko nang makilala ang lalaki sa tapat ko, "H-Hart?" para bang wala akong lakas na tinawag siya, until I remember what just happened.
I remember we were playing a card game, nasa likuran ko pa si Mr. Razon at nakakandong ako sa kanya. I played with Hart and I won since I had his last card. Mabilis akong napatingin sa likuran ko. Wala si Mr. Razon sa kinauupuan namin kanina. Does this mean, nandito pa rin kami sa kwarto? How come I lost consciousness?
Hinarap ko si Hart. I don't know if he heard me but he was looking down. Sinundan ko siya ng tingin. Napalunok ako nang matanaw ang mga kamay nito. Nakakabit pa rin ang mga bakal doon, at punung-puno ng dugo ang nasa bandang pulsuhan niya. Napatingin ako sa mga kamay ko, nakakalas na ang mga bakal dito. I looked at him again. Something's wrong.
Siya nga ba ang nakikita ko? Did he lose his hands kaya ba punung-puno ng dugo at hindi siya kumikibo? Hindi pwede. Imposible. It must not be.
Mabilis kong tinanggal ang mga kamay ko sa bakal at tumayo para lapitan siya. Nagmadali akong pumunta sa gilid nito, "Hart," I called pero parang hindi niya ako naririnig. Nakayuko lang siya at nakatingin sa mga kamay nito.
Why? Did he really lose his hands? Hindi ko masabi dahil sobrang sikip ng mga bakal sa kamay niya at puno 'yon ng dugo kaya hindi ko alam kung naputulan ba siya ng kamay o hindi, but no, he can't lose his hands. It must remain intact.
Unti-unti kong iniangat ang isang kamay at nanginginig ito. Hinawakan ko siya sa isang balikat. Ganon na lang ang pagkunot ng noo ko nang mapansing basa siya. Yumuko ako para tignan ang kanyang mukha dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi siya kumikibo. Did Mr. Razon do something to him?
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024