Chapter 33: Come To Find You

75 3 0
                                    


"Sir, let's stop," slowly, tears are falling from my eyes. Nanginginig ang mga kamay ko, even my whole body. I can't help it. I don't know what to do in this moment. Alam kong mali, alam kong bawal, but I just simply can't.


"No," I was about to stand up mula sa pagkakaupo ko sa mga hita niya pero mahigpit niyang hinapit ang baywang gamit ang dalawa nitong kamay. Now, I could feel his breath on my neck, "Tapusin mo ang sinimulan mo, Miss Velrama," slowly, I felt his lips on the side of my neck. Mabagal ang paghalik nito at dinig na dinig ang tunog ng bawat halik niya.


Kusang nagkuyom ang mga kamay kong nakapatong sa mga balikat niya. He's seated on his office chair habang nakaupo ako paharap sa kanya. I decided to do this, kaya kailangan kong panindigan.


"Tapusin natin ang palabas, Shein," nagkatinginan kami na siyang ikinasalubong ng kilay ko. He had that smirk on his face. Napatingin ako sa bandang gilid namin na siyang nasa pinakasulok. May nakapatong na halaman sa lamesa doon. Something caught my attention.


May pulang umiilaw sa halaman.


"Please me."


It was the last word I heard until I finally found myself sitting on the couch. Hinihingal ako at pinagpapawisan kahit nakabukas naman ang aircon dito sa kwarto. I looked around. Nakabukas pa ang tv, may mga papel na nagkalat sa sahig. It were the papers I was reading earlier habang bukas ang tv.


Nang tumingin ako sa labas ay madilim na. Open na open kasi ang parteng 'yon at imbes na pader ay puro salamin ang kabuuan. I must have fallen asleep while reading the papers. Obviously, kanina pa nakabukas ang tv at natulugan ko, maybe because of stress. Dumiretso ako sa kwarto para magbihis. Nagsuot na lang ako ng puting tshirt, pantalon at puting sapatos.


I had to ponytail my hair and decided to go out of the room. Sinara ko ng maigi ang pinto. I didn't bring anything at all. I'm getting bored sa kwarto kaya magiikut-ikot muna ako rito sa hotel. I heard they have a garden at the back of the building, I should go there to fixing myself together.


Sumakay ako ng elevator at bumaba sa ground floor. Hindi masyadong matao given na weekdays rin kasi but honestly, this is such a luxurious hotel. Halos mukhang mayayaman ang mga nandito the way they simply dress. Commonly sa mga mayayaman, hindi naman sila overdress at bongga manamit, they just want to look neat and simple, that's it.


Of course, I'd know. Sa dalawang taon na kasama ko si Hart, I dealt with rich people, lalo na sa casino but the people there are far different than average wealthy people.


Patingin-tingin lang ako sa paligid habang naglalakad. As planned, pumunta ako sa likuran ng building at lumabas. May garden nga na pwede mo lang mapasukan kung nandito ka sa loob ng hotel. I looked around. There are some trees, pero mas marami ang halaman at mga rose na bulaklak. They are so fresh to the eyes and it is so soothing. Ang ganda sa pakiramdam.


I looked above, salamin kasi ang rooftop ng mataas na garden. It looks like a greenhouse inside the hotel, "Hi, Luna," mahina kong saad at napangiti. Here we go again. Every time I need comfort and I am alone, Luna has always been by my side.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon