Chapter 73: Poison By Heart

34 3 0
                                    


Unti-unti kong iminulat ang mga mata at sinalubong ng isang puting kisame. Nagkusot ako ng mata gamit ang isang kamay. Astang tatayo na sana ako ay bigla akong napahawak sa aking gilid nang kumirot ito. Inalis ko ang kumot sa akin at nakita ang tagiliran kong nakatakip ng benda. May konting dugo pa ito.


Dahan-dahan akong napaupo at sumandal sa headboard ng kama. I can't help but to breath deeply. Masakit pa rin ang sugat ko sa tagiliran at parang nanlalambot ang mga tuhod ko. Isinandal ko ang ulo sa likuran at napatingala, "What just happened?" pabulong kong saad. Slowly, napapikit ako habang pinapakiramdaman ang sarili.


May kung anong bumukas na pintuan kaya napatingin ako rito. Agad akong napangiti nang isang ngiti rin nito ang ibinungad niya sa akin, "Spade," I greeted.


"Gising ka na pala," papalapit siya sa akin habang may bitbit na isang maliit na puting bote at basong may tubig sa magkabilang-kamay. Tumigil siya sa gilid ko at iniabot 'yon sa akin, "Tamang-tama, kailangan mong inumin 'to para lumakas ka agad."


"Salamat," kinuha ko ang baso sa kanya. Binuksan niya ang maliit na bote at inilahad sa akin. Inilahad ko naman ang kamay sa kanya at saka niya dahan-dahang itinaob ng bahagya ang bote hanggang sa may mahulog na isang kapsul sa aking kamay. Agad ko itong isinubo at nainom ng tubig.


"How do you feel?" tanong niya nang makailang lunok ako. Kinuha niya agad ang baso sa akin.


"I'm feeling good. Masakit lang ng konti ang tagiliran ko," sumandal akong muli.


"Mabuti naman. Kinabahan pa naman ako. Pagkabukas namin ng pintuan ay duguan ka sa gilid ng van. Paano kung may nangyari sayo? Dapat ay sinab- "


"Spade," tumigil siya nang magsalita ako, "Kung sesermunan mo lang ako, please huwag ngayon. I'm tired oh?" inilahad ko ang sarili sa kanya. Nakatayo pa rin naman ito sa gilid ko kaya nakatingala ako sa kanya. He scrutinized me from head to toe.


Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at napapikit, "Fine. Oo na. Hindi na muna kita pagsasabihan tutal ay may iba namang gagawa."


"Ha?" pagkunot ng noo ko.


"Wala, basta," tinalikuran niya ako at naglakad papalabas.


"Wait lang," habol ko. Natigilan siya at hinarap ako, "S-Si Hart? Kamusta siya? Okay na ba?" hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi naman siguro siya tinamaan ng baril noong tumatakas kami, right?


Napalunok si Spade at hindi agad nakapagsalita, "Well, I can't tell. Mas maganda siguro kung puntahan mo na lang siya, pero tsaka na, pahinga ka muna," tinalikuran niya ako at lumabas ng kwarto.


Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na tumayo kahit humahapdi pa rin ang aking gilid. Malalaki ang aking hakbang na tinungo ang palabas ng kwarto. Halos nakayuko ako hanggang sa malagpasan ko ang pintuan. Natigilan ako at napahakbang paatras nang may kung sinong humarang sa akin. Sa tangkad nito ay kahit sino, matitigilan.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon