Chapter 19: Something Alcoholic

105 3 0
                                    

Since everything that happened tonight, nawalan ako ng gana. I felt like my relationship is slowly falling apart and turning into pieces  we can't mend.

Kahit pa gaano kaingay sa paligid, it feels like I couldn't hear anything but only the sadness within me. The music was loud at napapalibutan ng iba't ibang kulay ng mga ilaw sa paligid. Everybody's hype on the dance floor with a few on their seats, just like me.

Muli kong nilagok ang laman ng hawak kong baso at muling nilagyan ng alak. My head is burning and sometimes, my vision seems to be rotating. At a time like this, I should be in the House nonstop picturing until the camera memory reaches its maximum 500mb. Sa tinagal-tagal ng panahon na nabubuhay ako sa pagtratrabaho, almost the whole day, ngayon lang ako nawalan ng gana. I don't feel like going back to work so I went here instead.

Itinukod ko ang isang siko sa lamesa at doon isinandal ang gilid ng aking ulo. Muli kong ininom ng diretso ang laman ng baso. Can't help but to make this disgusting expression, ang pait kasi. But it didn't matter. I just want this pain gone once and for all. I was about to fill up the glass once again, pero pansin kong wala ng laman ang bote kaya sinenyasan ko ang isang lalaking server na lumapit naman sa akin.

"One more bottle, please," kusa akong napapikit.

"Mam, mukhang naparami na po ang inom niyo. Kailangan niyo ng umuwi," magalang niyang sagot.

Binuksan ko ang mga mata at ngayon ay sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Bahagya kasi siyang nakayuko. Nakuha ko siyang tawanan at hinaplos sa balikat, "Hindi pa ako lasing, okay? Kaya ko pa. Kaya isa pa."

"I-I'm verry sorry, mam. Pero mukhang lasing na po kayo," saad pa niya.

"Tsss, dami mong sinasabi. Babayaran ko naman," tinalikuran ko siya at isinandal na lang ang kabilang-gilid ng aking ulo sa mismong lamesa. Hindi ko na siya narinig na nagsalita pa kaya malamang ay umalis na ito.

Good to know.

Kahit pa gusto kong tumingin sa malayo, hindi ko magawa. Marami kasing nakaharang na bote sa lamesa. Ang iba ay nakatumba na. May sampo rin siguro ang mga ito. Bumibilis na rin ang pagkabog ng dibdib ko. Ilang segundo rin na napako ang aking tingin sa boteng nasa tapat ko. Wala akong ginawa kundi kumurap na lang dahil nahihilo na ako at inaantok.

I just felt like something vibrated in my cream dress' pocket kaya dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa habang nakapatong pa rin ang ulo ko sa lamesa. Someone's calling and when I checked, it's him. Can't help but to laugh a bit.F

Hindi ko na lang pinansin at ipinatong ang cellphone sa lamesa, sa mismong tapat ko. Naduduling na nga rin ako sa mga ilaw na sumasayaw sa paligid. The call ended, but after a few seconds, may tumatawag nanaman. However, this time, I can't see his name anymore on the screen instead, iba naman ang tumatawag ngayon.

Kinuha ko ang phone at maayos na tinignan ang screen. Kusa akong napangiti at sinagot ang tawag nang hindi pa rin inaalis ang ulo ko sa lamesa. Now it seems like nakapatong na lang ang aking cellphone sa tainga ko habang hawak ito, "Ysha."

["Te, nasaan ka?"] bungad niya sa akin.

Kusa akong natawa dahil para siyang nanay na nanenermon, "Just around the corner."

["Anong just around the corner— tsaka teka, bakit ang ingay dyan? Nasa party ka ba?!"] masyadong lumakas ang boses niya, dahil siguro alam niyang maingay dito.

"Maybe," sagot ko lang.

["Nasaan ka nga?!"]

"Nagpapalipas lang ng oras... sandali," napapikit ako sa pagkahilo.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon