Bigla na lang akong napapikit at napaupo paatras nang maramdaman ang pagsaboy ng malamig at maruming tubig sa aking katawan, "Ano ba naman, 'yan?! Kanina ko pa 'to pinapalinis sa'yo, hanggang ngayon hindi mo pa nagagawa?!" halos malasahan ko ang maruming tubig dahil maski ang mukha ko'y nasabuyan.
Nanginginig at nanlalambot na ang aking mga paa at kamay, "P-Pasensya na po, mam. H-Hindi pa po kasi ako kumakain kaya nahihirapan akong gumalaw."
"Problema ba 'yon? Edi kumain ka! Alangan pakainin pa kita!" sigaw niya habang nakatayo sa harapan ko. Ako naman, nanatiling nakayuko.
"Mam!" boses ng isang pamilyar na babae, "Mam, bakit po?" tumingala ako at nakita si Desa na humarang sa harapan ko, "Ano pong nangyari?" tinanaw niya sandali ang sitwasyon ko.
If I don't really need a job, I won't accept something na hindi ka-level ng pinag-aralan ko. Hinabol ko lang naman talaga ang two hundred a day na sahod dito kaya ko tinanggap na maging tagalinis.
"Hindi mo ba 'yan tinuruan ng maayos?" sabay duro ng manager sa akin, "Pinaka-madaling trabaho, hindi niya magawa ng maayos. Ano 'yan lampa?!"
"Mam, pasensya na po. Bago lang po kasi siya rito at kaka-umpisa niya lang ngayong araw," pakiusap ni Desa.
"Hindi ko na yon problema. Kung gusto niyang sumahod ng maayos, magtrabaho rin siya ng maayos. Kung ganyan lang din siya sa unang araw pa lang, tanggalin mo na siya!"
Bigla akong napatingala at nanlalaki ang mga mata. Agad akong gumapang papalapit sa harapan nito at lumuhod, "Mam. Mam, sorry po. Aayusin ko na, pangako. Huwag niyo lang akong tanggalin, kailangan na kailangan ko lang po talaga ng trabaho— okaya kahit pangkain na lang po, mam."
I can't even imagine that someone with latin honor would do such thing as this. Hindi ito ang pinangarap kong trabaho.
"Mam, please!" I even pleaded.
Tinignan niya ang babaeng kasama ko, "Tanggalin mo na 'to. Maghanap ka ng bago," at saka niya kami tinalikuran.
"Mam, huwag naman po. Kailangan ko po ng trabaho. Hindi pa ako kumakain, parang-awa niyo na!" it wasn't in my nature pero nagawa kong yakapin ang mga binti niya.
"Bitawan mo 'ko, nadudumihan ang damit ko, ano ba?!" pilit niyang inaalis ang binti niya sa akin lalo na't nahahawakan ko ang lavender nitong slacks.
"Mam, huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho, please!"
"Get off me! Ano ba?!" pilit niyang tinanggal ang pagkakayakap ko rito hanggang sa marinig namin ang pagkapunit ng isang bagay.
Natigilan at napatingin ako sa binti ni mam at napansin ang punit sa slacks niya. Tulad ko ay nakatingin din si mam pati si Desa sa napunit nitong suot.
Kusa akong napalayo at lumunok. It was actually a bad move. Lumipat sa akin ang tingin ni mam hanggang sa umusok ang tainga at ilong nito. Kusa akong napatingin sa gilid nang maramdaman ang isang mainit na palad na dumampi sa pisngi ko.
Napahawak ako rito hanggang sa magsilabasan ang aking mga luha, "Look what you did! Ang kulit-kulit mo kasi! Minamalas ako ngayong araw na 'to dahil sa'yo!" sabay hila niya sa buhok ko na siyang nakapag-pasigaw sa akin.
"Mam, tama na po!" I can't stop myself but to cry. Sobrang sakit at higpit ng hawak niya. Nilakad niya ang hallway habang hila-hila ang buhok ko. Ni hindi ko nga magawang makatayo dahil madulas ang flooring bunga ng pagmamap ko kanina.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024