Chapter 10: Welcome To The House

165 6 0
                                    


"Pakawalan niyo ako, ano ba? How many times do I need to tell you na wala akong ginawa sa kanya?" itinulak ako ng dalawang lalaki papasok sa isang kwarto at dahil sa pwersa nila, napaupo ako sa sahig habang nakaharap sa kanila. 





Iniikot ko ang paningin until I realized where I am. It's a room with nothing but only red lights. I feel that something is off here. Bukod sa walang gamit, mabigat sa pakiramdam as if who would ever get here would lose breath anytime.




"Where am I?" hinarapan ko sila. Nakatayo ngayon ang babae sa harapan ko habang magkakrus ang mga kamay. Sino ba siya para pagbintangan ako ng ganito?





"You are in the red room," saka nito tinignan ang kanyang relo, "Sooner, magbubukas na ang casino and many clients will enter the building. It's the perfect time to tell everyone what you did to Hart. Tignan natin kung saan ka pupulutin once the VIP's arrived," sabay angat ng gilid nitong labi.





"Who are you para gawin 'to sa akin? You know I could file a case against you for accusing me without any evidences, right?" seryosong tugon ko na tinapatan ang tingin niya sa akin.






"Really?" hindi makapaniwalang natawa siya, "Sa ginawa mo pa lang, wala ng maniniwala sa'yo. If ever something happened to Mr. Hart, many will come to kill you. They won't wait for the law itself, they would be the law," diin nito sa panghuling salita.




"Really?" ako naman ang natawa, "What kind of a cheap mindset you have? Accusing me of such."





Ang kapal din naman ng mukha niya, "Let's see," tinalikuran niya ako at naglakad papalabas ng kwarto not until we heard something. Bigla kasing nagreklamo ang tyan ko, wrong timing nga naman. This is such a shame.





Kasabay nito ay halos yakapin ko na ang sarili dahil sa pananakit ng tyan ko. I want to shout at halos mamalipit ako but because they are still here, tahimik akong napapadaing. It's almost two to three days na I still haven't had eaten anything.





Saglit ko silang tiningala nang halos halikan ko na ang sahig sa pananakit ng tyan, "Now, look who's starving?" binatuhan niya ako ng isang masamang ngiti habang nakatingin sa gilid niya hanggang sa tuluyang magsara ang pintuan. As much as I want to run after them, ni tumayo ay hindi ko magawa. A single tear escaped my eyes. Tuluyan akong humiga sa sahig. Mainit dito sa kwarto at sobrang tahimik. Aside from that, mainit ang daloy ng hangin. There is not much oxygen for me to inhale.






I closed my eyes and decided to sleep. Itutulog ko na lang ang gutom na 'to. I should have eaten anything bago ako pumunta rito but I remember, wala nga pala akong pera—






I came back to consciousness when I felt someone forcefully held my hand at biglang pinatayo. My vision was blurry at first since I fell asleep and out of nowhere, bigla akong hinila papatayo. These two men again held me on both sides. Isang babae nanaman ang nasa harapan ko ngayon. She was the one earlier. Why do I feel like ang init ng dugo niya sa akin? Kanina lang naman kami nagkita.






"Wake up, you still haven't received your punishment," sambit nito, "Hindi ko nga ma-imagine kung paano ka nakapasok dito. Sa office pa mismo ni Mr. Hart?! Unbelievable," natawa siya. As much as I want to respond, I couldn't defend dahil hinang-hina na ako. Nanlalambot na ang buong katawan ko, mahapdi pa rin talaga ang aking sikmura. I can't find the right energy.






Hinayaan ko na lang sila na bitbitin ako at hilain papalabas ng kwarto para dalhin sa kung saan. Ni ang dinaraanan namin ay hindi ko na matanaw ng maayos. Halos nakapikit na lang ako buong oras. I still want to rest din kasi.






The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon