Chapter 18: A Touch Of Jealousy

125 4 0
                                    


Tinanggal ko ang sd card ng hawak kong camera at isinaksak sa photo scanner, para itong isang printer. I pressed the button and after a few seconds, lumabas na rin ang mga litrato isa-isa. Masyado kasing marami ito kung minsanan kong iiscan dito. As of now, 50mb pictures pa lang ang nakukuhanan ko. I still need to fill up the remaining 450mb dahil sa kagustuhan ni Hart. Yun pa.


Now, I am in the photo room of the House. Kulay pula ang ilaw dito sa loob. Mainly, ako lang talaga ang nakakapasok dito at authorized na makapasok dito. So it only means, ako lang ang may susi dito sa kwarto. Inalis ko na rin pansamantala ang suot kong maskara.


Kinuha ko isa-isa ang mga litrato at isa-isa ring inilubog sa isang lalagyanan kung saan ay kulay pula ang tubig, may kemikal kasi ito. Well, may rason kung bakit ganito ang ginagawa ko rito at kung bakit ganito ang proseso rito. Isa-isa kong ibinabad dito ang mga hawak kong litrato. Pagkatapos ay isasabit ko sa isang sabitan na string at iipitan para patuyuin. Nang matapos ako ay humakbang ako paatras at maayos na tinignan ang mga litrato na ngayon ay nakahilera sa sabitan.


It usually takes an hour bago tuluyang matuyo ang mga ito at saka ko ilalagay ng minsanan sa isang photo album bago ibigay sa magaling kong boss. Nagpunas muna ako ng kamay sa nakasabit na basahan at nakapamewang na napabuntong hininga habang nakatitig sa mga litrato.


Nothings knew, I guess.


Nawala doon ang atensyon ko at napunta sa pintuan nang marinig ang marahas nitong pagbukas. Mabibigat na hakbang ng isang tao ang tumigil sa tapat ko, "Shee, can we talk?" pamilyar ang boses nito.


Nanlaki ang aking mata nang makilala siya, "Babe? What are you doing here?" tinignan ko ang pintuan sa likuran niya, "At paano ka nakapasok?" ibinalik ko sa kanya ang tingin.


How come bigla-bigla siyang nakapunta rito? Hindi niya ako sinagot. I think, I forgot to lock the door kaya siya nakapasok. Sh*t! Bakit ngayon pa?


"You were not answering my calls," diin niya, even his eyes are now stabbing me with his serious tone. I immediately took out my phone from my bag to verify.


8 missed calls. 12 messages.


"Babe, I'm sorry, nabusy lang talaga ako ngayon dito," ibinaba ko ang kamay at napabuntong-hininga.


"Pumunta ka nanaman sa bahay niya?"


Natigilan ako nang tapatan ako nito. Jansen has always been so caring, pero ngayon, kitang-kita ko ang pagiging seryoso ng mga mata niya as if his eyes are telling me that I have to take this conversation seriously.


"What?" pagkunot ng noo ko.


"Alam ko, Shee. Na pumunta ka nanaman sa mansyon niya kagabi. Kaya ba hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko?" he even added.


I even had no time to text him early this morning. Oh my god, he must have been so worried. This is my fault. So I can't blame him why he's acting this way.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon