"Alam mo namang busy ako every weekend, tapos mangungulit ka pang lumabas," sabay liko ko sa sasakyan. Kasalukuyan akong nasa driver's seat habang katabi naman ang magaling na Yreasha na kanina pa ako kinukulit. Buti na lang at maayos ang pananamit ko ngayon. Papunta kasi sana ako ng opisina kundi lang siya humarang sa gate.
I am wearing a strapless dusty pink jumpsuit dress with my three inches pastel pink pump heels and a white small shoulder bag.
"Te, kailangan mo ring mag-relax. Huwag ka masyadong magpaka-lunod sa work, baka tumanda kang dalaga niyan."
Sandali ko siyang tinignan at pinag-ikutan ng mata, "Whatever. Saan ba kasi tayo pupunta? I've been driving for almost an hour pero hanggang ngayon ay hindi mo alam kung saan tayo pupunta."
Totoo naman, na kanina pa kami rito sa sasakyan at parang hindi niya rin alam kung saan kami pupunta. Samantalang siya itong malakas ang loob na nag-aya at patigilan ako sa trabaho para lang maglibot. Now, she doesn't even know where to go. Ang lakas na talaga ng tama niya.
"Basta mag-drive ka lang. Kapag may nagustuhan ako, doon tayo pupunta."
Tinignan ko siya saglit at pinag-ikutan nanaman ng mata nang makitang nakatanaw siya sa labas at nanlilisik ang mata, "Alam ko na ang mga tingin mong 'yan, Ysha."
"Tignan mo, ang ganda oh. I think bagay kami," tinignan niya ako at tumaas ang isang gilid ng labi.
Sakto at nag-stoplight so I stopped the car at sinubukang sundan ng tingin ang tinatanaw niya, "Sino nanaman ba 'yan?" dalawang babae ang nakaupo sa isang bench. Brown hair, white skin. One is wearing a white short and a printed berry sando while the other is wearing a polkadots dress. Masaya silang nag-uusap habang may hawak na burger at kumakain.
"Sigurado ka bang ganyan ang tipo mo? Look," tumingin ako sa ibang direksyon, "There are lots of handsome Canadian men around."
"Stop," itinaas niya pa ang kamay para patigilan ako habang sa dalawang babae pa rin ang tingin, "Alam mo," she finally faced me, "Ikaw dapat ang naghahanap ng boylets dyan. Given that you are now the CEO of your own fashion company, paniguradong hindi ka nila aatrasan, te. That face and body," pinaypayan niya pa ang sarili na parang mahihimatay na, "I cannot breath."
"OA mo. No, thanks," muli kong pinaandar ang sasakyan when it was already green light.
"OMG," napatakip ito sa bibig at mukhang nakasunod pa rin ang tingin sa dalawang Canadian kahit na nalagpasan na namin sila.
Mabilis kong nilingon ang mga 'yon at nakita ang isang lalaki na lumapit sa kanila. The girl in that polkadots dress stood up at niyakap ang lalaki before kissing him. The same thing happened with the other girl who kissed the man who just went to her. Mukhang hinihintay lang ng dalawa na dumating ang mga jowa nila.
Natawa ako at ibinalik ang tingin sa daan, "Seems like your girls are in a relationship with men. Kawawang Ysha. Lalaki na lang din kasi ang hanapin mo," I mocked.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024