"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Shee? Hindi na kita mapipigilan?" tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Ysha kaya ganon rin siya na kasalukuyang nakasunod sa akin. Hawak ko sa isang kamay ang dala kong maleta.
Binigyan ko siya ng ngiti, "Oo naman. Ayos naman na ang pakiramdam ko, pero mas magiging okay ako kapag sa probinsya na muna ako pansamantala."
"May matutuluyan ka naman ba roon? Gusto mo samahan kitang maghanap ng mapupuntahan? Pwede naman akong sumama if you want," napasimangot siya na ikinatawa ko na lang. Ysha's always like this, so caring. Mukha lang siyang boyish sa short hair nito na parang panlalaki pero pagdating sa akin ay maamo siyang babae.
"Ano ka ba, hindi na no? I still have a relative there. Matagal ko na rin siyang hindi nabibisita since I started working kay Hart. Panigurado ako matutuwa siya kapag nagkita kami," I can't even explain in words kung gaano ako kasaya ngayon na magkikita ulit kami kahit na may parte sa akin na mabigat ang loob na umalis.
I really miss that person.
"Ganon ba? Sige, sabi mo eh. Basta tawagan mo ako kaagad kung may kailangan ka or kung maubusan ka ng pera, papadalhan kita agad," she assured me. She was even insisting na sumama pero hindi ako pumayag. I need my lone time.
Hinawakan ko ang isang kamay niya, "Salamat, Ysha ah? I really appreciate your help and concern, simula sa pagbabantay sa akin sa ospital hanggang dito," kung titignan, parang mas kapatid ko pa siya kesa sa totoo kong mga kapatid, especially my ate. Ni hindi nga kapatid ang turing noon sa akin.
"Ano ka ba? Para na tayong magkapatid eh," pinisil niya ang kamay ko.
Speaking of sister, I recalled something. May kinuha ako sa dala kong handbag na nakapatong sa itaas ng maleta. It was a white envelope at iniabot ko sa kanya, "One last favor, Ysh," napatingin siya roon, "Pakibigay naman sa family ko. Isang buwan na akong hindi nakakapag-padala sa kanila."
"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya na halos panlakihan ako ng mata, "Pagkatapos ng ginawa nilang pagpapalayas sayo noon?!" naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari last time. Actually, she and Hart both wanted me not to go home anymore at huwag na ring magpadala ng pera, but I just can't.
They are my family, still. Kahit hindi ganon ang turing nila sa akin.
"I know, Ysh," ngumiti ako, "Pero gusto ko pa rin silang bigyan. If hindi dahil kay mama, wala rin ako rito. So this is all I can do," ibinalik niya ang tingin sa envelope, "Please," hindi rin siya nakatiis at kinuha 'yon sa akin.
Nag-ikot pa ito ng mata at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga, "Fine, alam mo namang hindi kita matitiis."
"Thank you!" sobrang natuwa ako sa kanya na abot tainga ang aking ngiti.
"Ikaw ba, nagpaalam na kay Hart?" pagkibit-balikat niya. Napayuko ako at malalim na huminga.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024