Chapter 59: Silent Pain

57 3 0
                                    


"Shee!" while the phone is on my right ear, napatingin ako sa direksyon ng tumawag. It's Ysha na ngayon ay papalapit sa akin at kinakawayan ako. Nginitian ko siya at inilagay ang cellphone sa dala kong bag.


"Saan ka ba nagpunta at bigla kang nawala? Tinatanong ko yung tarot reader kanina pero ang sabi niya ay agad ka raw umalis," reklamo nito na napakamot ng ulo.


"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko. For as long as I know ay nasa likuran kita, bakit bigla kang nawala?" I asked back. Actually, even before she turned down the call ay nagtatakbo na ako papunta sa kung saan so she couldn't see me overhearing her convo with the other line.


And now, tinawagan ko siya acting as if I am looking for her, "Something came up, te."


Nagsalubong ang kilay ko, "What is it?"


"Wala," pag-iling niya. Kung gaano siya ka-anxious kanina, ganon naman ang ngiti niya ngayon na parang wala lang talaga sa kanya ang nakausap niya kanina.


This is Yreasha, sobrang galing magpanggap. I think, it's one of her hidden talents.


"Hayaan mo na 'yon, maliit na bagay lang sa office. Nga pala, anong read sa'yo kanina nung babae?" tanong niya.


"Hmm, I think tarot reading is not really for me. Weird ng mga sinasabi niya. Hindi pa tugma sa buhay ko," I let out a deep sigh.


"Oo no?" pagtango niya, "Palagay ko nga ay pinagloloko lang tayo noon dahil maski ang basa niya sa akin ay malayo sa kung sino talaga ako. Kapag talaga free, hindi malayong modus," sabay kaming napatingin sa paligid and there she is again, halatang hinahanap ng mata nito ang kung sinu-sinong babaeng nakikita niya ngayon dito sa park.


"So, saan na tayo ngayon? Pwede na bang umuwi?" I am so tired kahit wala naman kaming masyadong ginawa.


"Tara kain sa resto," pagsimangot niya.


"Gutom ka nanaman?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kakakain niya lang kanina sa bahay bago kami umalis. Halos ubusin niya ang laman ng ref ko.


"Oo eh."


"Ano ba namang klasing tyan 'yan, parang dragon," I complained.


"Tara na kasi," hinawakan niya ako sa isang kamay and she's even pouting. I know she likes girls more pero kapag magkasama kami ay nakukuha nitong mag-inarte sa akin na parang bata.


"Oo na," sabay tingin ko sa paligid until I saw a glimpse of something that flashed. Para bang yung sa camera.


Sinundan ko ng tingin kung saan 'yon nanggagaling hanggang sa mapatingin ako sa isang puno. Para bang may anino akong natanaw doon na biglang nagtago nang mapatingin ako sa direksyon nito.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon