Chapter 31: Secret Obsession

96 4 0
                                    


"The usual, sir?" tanong ng isang babaeng nakasuot ng itim na dress at heels.


Tumango siya, "Yes," nakasuot ito ng itim na maskara.


Footsteps aboard, he was walking in the middle of a dark hallway matapos siyang pagbuksan ng pintuan ng babae. Ang tanging nakikita lang ay ang mga pulang pintuan sa paligid na tila mga kwarto. Sa taas ng mga pintuan na 'yon ay may kulay pulang ilaw na nakatutok sa bawat pintuan, para 'yong mga led lights. Dahil sa mga ilaw na ito ay nasisinagan ang pulang mga pintuan maliban sa mismong daanan na kasalukuyang madilim. Halos hindi na makita ang daanan.


Bawat paghakbang nito ay gumagawa ng tunog na siyang dinig sa buong hallway, ngunit maliban sa kanyang yapak, may iilang mga ingay. Bawat pagdaan niya sa bawat kwarto ay iba't ibang klasi ng ingay ang naririnig. Kadalasan ay may kumakabog sa mga pintuan mula sa loob na tila may kung sinong gustong kumawala. Ang ibang pintuan ay may sumisigaw pa sa loob na tila humihingi ng tulong. Naririnig man ang ingay ngunit hindi niya 'yon binigyan ng atensyon. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad.


Nang marating ang pinakadulong kwarto na kaisa-isang nasa gitna, tiningala niya ang pinto kung saan may numerong nakadikit.


21.


Ipinasok nito ang kamay sa bulsa at may kinuha siyang isang pulang susi doon. Ginamit niya ang kaisa-isang susi upang buksan ang pintuan bago pumasok sa loob at isinara din agad. Isang madilim na kwarto ang bumungad sa kanya. Ibinalik niya ang susi sa kanyang bulsa. Binuksan niya ang switch ng ilaw na siyang malapit sa pintuan.


Tinanggal niya ang pagkakatali ng maskara nito at ipinatong 'yon sa lamesa na nasa gilid lang nito. Kasabay noon ay unti-unting bumukas ang mga pulang ilaw sa apat na sulok ng kwarto. Mula sa madilim na kwarto ay unti-unti ng natatanaw ang kabuuan nito.


Tinanaw niya ang paligid nang humakbang papalapit sa gitna. Isa-isa niyang tinignan ang mga gamit sa loob at muling humakbang ng mabagal. Mabibigat ang kanyang mga yapak.


Lumapit siya sa isang sulok kung saan may isang lamesa na tila isang bar table  may kataasan 'yon. May dalawang stool din dito. Naupo siya roon at binuksan ang isang wine. Bukod sa wine na 'yon ay marami pang ibang wine sa paligid ngunit pare-pareho ang tatak. Kumuha siya ng wine glass na nakadapa mula sa isang tray.


Dahan-dahan niyang isinalin ang wine sa wine glass at nainom dito. He took out his phone and someone's calling. He didn't bother answering when he noticed the call initiator. Ipinatong niya ang cellphone ng nakadapa sa lamesa at muling nainom, as if he's having his lone time to relax.


"Show yourself, whoever you are," pagsasalita niya na tinignan ang hawak at nilasap bago ibinaba sa lamesa ang wine glass. Nakatalikod siya sa kabuuan ng kwarto habang nakaupo sa pinaka-sulok.


Makalipas ang ilang segundo ay may iilang hakbang na gumawa ng ingay. Nagmumula sa kabilang sulok ng kwarto kung saan medyo madilim, "Ito pala ang pinag-kakaabalahan mo ngayon," boses ng isang lalaki na tumigil sa gitna ng kwarto.


Hinarap niya ito na ngayon ay nakangisi ng masama sa kanya. Lumapit ang lalaki sa kanya at natigil sa tapat nito, "C-El? What are you doing here? How did you get in?" pagtataka nito.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon