Chapter 36: A Name To Remember

72 3 0
                                    


"As of now, you can stay here," inilibot ko ang tingin sa paligid pagkapasok namin sa kwarto nito. Mas malaki ito kumpara sa hotel na pinanggalingan ko na hindi ko na magawang balikan ngayon. The room is spacious para sa isang katulad ko. May dining area kung saan gawa sa salamin ang table. May apat na upuan doon. May sofa rin, smart television, microwave, kitchen area at may dalawang kwarto.


"Dito ka na muna."


Tinignan ko si Spade, "I don't have money to stay here. Naiwan lahat sa isang luxurious hotel na pinanggalingan ko."


Nakasuot na siya ng shades ngayon at katulad date, may nakasalpak ng lollipop sa bibig niya. He's wearing a white long sleeves, black slacks and a necktie, the same as earlier, maliban na lang sa leather jacket nito na gamit ko pa rin. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa amoy niya. He and Hart smells the same. Pareho lang ba sila ng ginagamit na pabango? Why am I even thinking about that man, after what he said and what he did.


Tumingin ako sa may balcony kung saan salamin ang pintuan, "I have to think of a way kung paano ko makukuha ang mga gamit ko roon."


"You can't get your things back," hinarap ko siya, "As of now, pinasok ng mga pulis ang kwarto mo sa hotel na 'yon. They are not leaving the place, so I assume, you should not go there anymore or else, mahuhuli ka. We don't like that to happen," pag-iling niya.


Natawa naman ako, "At bakit naman? Who are you to worry about me when Hart already shut his door for me?"


What are they planning?


"He may have done that to you but we can't do the same thing. We won't let them catch you or else they might find out about me, at kapag nalaman nila ang tungkol sa akin, kakalkalin nila ang tungkol sa aming apat. We can't be found," umiling siya, "So either magtatago ka rito at tatanggapin ang offer ko o magpapahuli ka sa kanila at wala kaming magagawa kundi patahimikin ka," seryoso siya na halatang nagbabanta.


"Kung pumayag ka lang sana sa gusto ni Mour, mas mapapadali ang buhay mo," ngumiti siya.


Bakit naman ako makikipag-deal sa mga taong hindi ko kilala?


"No thanks. So, what do you want me to do here?" nagkibit-balikat ako.


"Obviously, wala ka namang mapupuntahan. So you can stay here in my hotel room for the mean time. No one will find out about you," tinignan niya ang paligid habang nasa baywang ang mga kamay.


Napayuko ako nang makaramdam ng panginginig. Natuyo na kasi ako sa ulan, "Paano ka naman nakakasiguro na hindi nila ako mahahanap? Knowing Razons," natawa ako at tiningala siya.


"You are in one of the Bonavich Real Estate's Hotel, the Kvaris Hotel, baka nakakalimutan mo, I own this hotel, in fact," napaatras ako nang humakbang siya pasulong, "Spade owns this place."


Natawa pa ako lalo, "How come? Remember nung isang araw, hinahanap ko si Spade and they don't even know you. So paanong sa'yo tong hotel na 'to? Huwag mo akong pinag-lololoko."

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon