Slowly, I opened my eyes at isang puting kisame ang bumungad sa akin. I feel like I'm on a soft bed, with an oxygen mask on my mouth and nose, clearly covering half of my face. I could even hear the heart rate monitor beside me, nang tanawin ko ay tama nga ang aking hinala. It's beside my bed where I am laying as of now. I may not be here for a long time but I know that I am now in a hospital.
Did something happen ba?
"Shee?" sinundan ko ang tinig ng isang pamilyar na boses ng babae. When I saw her, napangiti ako. It's Ysha. Nag-aalala siyang nakatingin habang nakatayo sa gilid ko, "Goodness, buti at nagising ka na!" by her voice, it sounded like she worried too much and now in relief.
Pilit kong inabot ang oxygen mask gamit ang isang kamay though I couldn't move my hand freely, parang nanlalambot at nanghihina ito. Ysha might have noticed what I'm about to do kaya siya na mismo ang dahan-dahang nagtanggal ng oxygen mask ko.
I smiled at her, "Namumutla ka," saad ko na halos pabulong na lang. It feels like my throat is too dry. Kailangan ko ata ng tubig. Dapat ay siya ang nakahiga rito at hindi ako.
"Malamang! We were so worried about you. Look, sugatan ka at puro pasa," hinawakan niya ang isang kamay ko na tila pinapakita sa akin 'yon, "Aside from that, halos hindi ka na makilala. Namamaga ang mukha mo. I thought iiwan mo na akooo," she pouted at halos mamasa-masa na ang mata. I didn' know na may ganito pa lang side si Ysh. Natawa ako.
I could even feel that I am experiencing a headache but not the same pain I felt when I was still with Jansen last time. I could even feel hot inside but cold on the outside. Weird. Maybe, I am sick. Ganito kasi ang pakiramdam kapag nilalagnat.
"Huwag ka ng mag-alala. I am now okay. Gising na nga ako dba?" pagpapakalma ko rito kahit na mahina ang boses ko.
Hindi ko gaanong mabuksan ang bibig ko, parang totoo nga ang sinabi ni Ysha. It's as if my face and body is sore. I know that I am still weak. Ramdam ko pa na may mga nakatapal na tela o kung anong bagay sa kanang-pisngi at noo ko. It might be a bandage or whatsoever.
Sino ba namang hindi mamaga ang mukha kung hinampas-hampas ng matitigas na bagay?
"May gusto ka bang kainin? O may masakit sa'yo? Magsabi ka lang," Ysha seemed alert na tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Parang ready siyang humingi ng tulong anumang oras na sabihin kong may masakit sa akin. Nakatayo siya sa gilid ko at nakatingin lang sa akin.
Inilingan ko siya at binigyan ng isang ngiti, "Okay naman ako. Nanghihina lang."
"Kahit sino naman manghihina sa ginawa ng lalaking 'yon. Ang kapal ng mukha ng gag* na 'yun ah? Nagawa ka ba namang bugbugin! Gagantihan ko 'yon makita mo. Maghintay lang siya— " parang triggered na siya at walang balak na tumigil lalo na't nagtataas ng boses.
Hinawakan ko siya sa braso kaya natahimik siya at tinignan ako, "Ysha, it's fine. Huwag mo na siyang isipin."
"Anong huwag isipin?! Shee, look at yourself!" sabay turo niya sa akin, "Halos mapatay ka niya sa bugbog, nakuha mo pang lagnatin ng malala. Tapos ok lang? Kung sayo ok, pwes sakin hindi! Babalikan ko 'yon!"
"Wala ka namang mapapala kapag ginawa mo 'yon," pagpipigil ko rito. Mukhang mas galit pa siya kesa sa akin. Oo, masama ang loob ko at galit ako kay Jansen pero hindi ko gugustuhing gumanti.
"Meron! Masasatisfy ako!" depensa niya kaya imbes na mainis ay natawa na lang ako rito.
"Thank you for caring, Ysha," saad ko na lang. Malamang ay nasasabi niya 'to dahil sobra siyang nag-alala sa akin.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024