Chapter 37: Better Than Men

77 5 0
                                    


Matapos maghugas ng pinagkainan ko para sa tanghalian ay napatingin ako sa pintuan nang may kumatok dito. Agad akong nagpunas ng kamay dahil mamasa-masa pa. Lumapit ako sa pintuan at sinilip ko muna kung sino ang kumakatok. Baka kasi pagbukas ko ay pulis ang bumungad sa akin. Mahirap na.


And I must not let it happen.


Kahit pa sinabihan ako ni Spade na hindi ako mahahanap ng mga pulis dito, kailangan ko pa ring mag-ingat. Binuksan ko ang pintuan nang matanaw ang isang babae sa tapat nito. Halatang naghihintay siyang may lumabas mula rito sa kwarto. She does not seem dangerous too.


Pagbukas ko ay nabuhayan siya ngunit halata na nabigla siya sa akin. It seems like she was not expecting to see me but another person rather, "Yes, how can I help you?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang mas bata siya sa akin. I can sense from her eyes that she's longing for something, yet she looks like in pain habang nakatingin sa akin.


Sino ba 'to?


"Ahm, andyan ba si Sky?" sabay silip niya sa loob. Mahinhin siya at masasabi kong mahina ang kanyang normal na boses.


"Sky?" pagkunot ng noo ko.


"Oo, y-yung may ari ng hotel? Si Sky."


"May ari ng hotel?" tanong ko sa sarili habang nag-iisip tsaka siya tinignan, "You mean, Schuyler Bonavich?" siya ang may ari nitong hotel so maybe, siya ang tinutukoy ng babae.


"Oo, si Sky," pagtango niya. But there's something wrong in her eyes. Para kasing namamaga ang mata niya na galing sa pag-iyak ng matagal.


So Sky ang nickname ni Spade? Sabagay, hindi naman malayo ito sa Schuyler Kvaris kung Sky nga ang nickname niya, but I'd rather call him Spade.


"Uhm, wala siya eh. Hindi ko alam kung makakabalik siya ngayon and if ever man, hindi ko alam kung anong oras."


"Ah ganon ba?" napayuko siya at tila nalungkot ang mukha. Inabot ng isa niyang kamay ang tyan nito. Why? Does it hurt? Pero bakit si Spade ang hinahanap niya? Pwede namang doktor dba? I'm sure may clinic dito sa loob ng hotel but I don't know.


"May kailangan ka ba sa kanya or gustong ipasabi? I'll tell him kapag nakabalik na siya."


Tiningala ako nito, "W-Wala. Babalik na lang siguro ako. Pasensya na sa abala," saka niya ako tinalikuran at naglakad.


"Wait," saad ko kaya hinarap niya ako.


Nilapitan ko siya at yumuko naman ito, "Matagal ka na ba rito sa hotel?"


"O-Oo, medyo," pagtango niya na tinignan ako.


May kinuha ako sa bulsa at ipinakita sa kanya, "Alam mo ba kung saan 'to pwedeng gamitin?" lumipat ang tingin niya sa green card na hawak ko. Yung inabot ni Spade kahapon na hindi ko naman alam kung para saan.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon