Chapter 69: Clover's Den

39 2 0
                                    


Sunud-sunod na patak ng tubig ang aking naramdaman. Nanatili pa rin akong nakaupo sa kung saang sulok habang nakayuko at nakataas ang mga tuhod. My right hand is currently holding my phone. Ilang beses kong tinitipa ang screen nito pero madilim at walang kahit na anong tawag. Medyo nabawasan na rin ang aking panginginig at pag-iyak. Minsan nga lang, I can't stop my tears from falling. Mabilis ko itong pinupunasan gamit ang isang kamay.


Napatingin ako sa paligid. Puro mga basura. This must be a dump place. Dito ko pa talaga naisipang magtago but I just don't want to be afar from the hospital. Gustung-gusto kong pumasok pero paano? Tipid akong ngumiti at sumandal. I looked up and there, are the dark clouds. Lumalaki ang mga patak ng tubig mula sa kaulapan. I could still remember yung mga oras na nakuha kong mangalkal ng basura para lang maibsan ang gutom.


Imagine, a magna cum laude eating by the trash? Absurd.


Dinig ko ang isang sasakyan na tumigil sa hindi kalayuan, "Ishee!"


Napatingala ako at humarap sa gilid. A man in his formal attire was approaching my direction. Mabilis niyang tinanggal ang itim nitong coat at lumuhod. Ipinatong niya 'yon sa aking ulo pagkatayo ko, "I told you na huwag magpakita sa mga Razon. Hindi ko sinabing magtago ka rito sa mga basura," sermon niya.


Napangiti na lang ako at hinawakan ang coat niya para hindi mahulog, "Noong tinatakasan ko ang mga pulis at nagtago ako sa basurahan, ikaw ang nakahanap sa akin. Who thought na pati pala ngayon ikaw din ang unang makakakita sa akin?"


Inakbayan niya ako habang nakatakip sa akin ang coat niya, "Come on. I don't know kung paano nakatiis si Hart sa'yo, ang tigas ng ulo," humakbang kami papalapit sa sasakyan nito.


"I was the one na nagtiis sa kanya, not the other way around," saad ko.


Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat kaya naupo ako sa loob. Isinangga niya pa ang kamay sa ulo ko para hindi ako maumpog. He closed the door at patakbong umikot sa harap ng sasakyan para maupo sa driver's seat.


Tinanggal ko ang coat niya at iniabot sa kanya, "Salamat ah?"


Umiling siya, "No, keep it. Malamig," he started the engine at umandar ang sasakyan. Napako ang tingin ko sa labas nang matanaw ang ospital. Nalagpasan namin ito kaya hinarapan ko siya.


"Spade," saglit niya akong tinanaw. His right hand is on the steering wheel. Puting long sleeve lang ang suot niya ngayon, "Yes?" he asked.


"Where are we going?" lumagpas kasi kami sa ospital. Ayaw kong mawala ito sa paningin ko.


"We can't go inside kung nakabantay ang mga Razon. Kailangan nating umalis rito."


"I thought we're helping Hart?" hindi ko inalis ang tingin sa kanya.


"As much as we want to, hindi pwede."

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon