Chapter 12: What's With Him?

175 5 0
                                    


Pagkapasok na pagkapasok ko, dumiretso ako agad sa kitchen. Kinapa ko muna sa pader ang switch bago binuksan ang dim light. Humakbang ako papalapit sa bar table at inihagis ang susi kasabay ng handbag ko. I directly went to the refrigerator and took a bottle of wine. It's a Novelino, sparkling red grapes. It's my favorite and Hart knows kaya hindi maikakaila na palaging may stock ng ganito sa fridge niya.


Isinara ko ito at diretsong lumapit sa bar table sabay upo sa may kataasang stool. Binuksan ko ang wine at kumuha ng wine bottle na kasalukuyang nakadapa sa isang tray. Dahan-dahan kong isinalin ang wine at saka uminom. Matapos maramdaman ang likido na dumaloy sa lalamunan ko pababa, ipinatong ko ang hawak na wine glass sa lamesa at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.


It's really a tiring day. Buti na lang at day off ko ngayon. I think need ko ng stretching. Hindi naman kasi pwedeng lagi na lang utak ko ang gumagana, I have to train my body also.


Habang abala at nakatingin sa kung saan, gumawa ng ingay ang cellphone ko. Ibinaba ko sa lamesa ang hawak at kinuha ang bag para ilabas ang cellphone. Agad ko itong itinapat sa tainga ko nang makita kung sino ang tumatawag, "Hello," bungad ko.


"Ate!" masiglang bati ng bunso kong kapatid. I feel like mabibingi na ako dahil sa lakas ng boses nito. Well, she's always like that.


"Oh, napatawag ka? Natanggap mo ba yung regalo ko sa'yo?" as if my stress level somehow lessened nang marinig ang boses nito.


"Oo, ate. Ibinigay sa akin ni yaya kanina. Sobrang saya ko nga ate eh, thank you sa cake!" biglang tumamlay ang masigla niyang boses. Medyo maingay rin sa paligid nito na parang hindi pa tapos ang party, "Pero mas maganda sana ate kung nandito ka. Sabi mo pupunta ka sa birthday ko, hmph!" kahit hindi ko makita, alam ko ang itsura ng lukot niyang mukha ngayon, "Nakakatampo."


Ngumiti ako, "Pumunta ako, bunso. Pero hindi na ako tumuloy kaya ipinabigay ko nalang kay yaya yung regalo ko sa'yo. Pasensya ka na ha? Alam mo naman, ayaw kong masira ang birthday party mo kapag nakita ako nila mama at papa dyan."


"Hays," nagbuntong-hininga siya, "Ano pa nga ba? Alam mo namang hindi kita matitiis ate eh. Pero huwag kang mag-alala, ate. May next time pa naman. Baby pa kaya ako, marami pa akong birthday na icecelebrate," hindi ko maiwasang matuwa every time na naririnig ko ang maliit niyang boses. Baka baby bunso ko yan. Ang cute-cute.


"Promise ko sa'yo, next time pupunta na si ate, okay?" saad ko.


"Promise na yan ate ha?"


"Oo naman. Love kita eh."


"Sige," at saka siya tumawa, "Sige ate, tawagan na lang ulit kita. Ibloblow ko na raw yung cake and magsising sila ng happy birthday."


"Sige bunso, happy birthday! Love ka ni ate! Enjoy your day, baby!" bati ko at saka namatay ang tawag. Napatingin ako sa cellphone at tipid na ngumiti.


Not so long, bigla akong napapikit at tinakpan ang mukha gamit ang kanang-kamay nang may kung anong kumislap sa direksyon ko. It seemed like a flash of a camera. Napatingin ako sa kanan and I found someone, "Alam mo bang pwede kitang kasuhan for illegally taking pictures of me without my permission, Mr. Hart?" tanong ko.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon