"Dito ba 'yon?" saad ko habang nakatingala sa isang mataas na building. Napatingin ako sa loob pero wala pang katao-tao. Mali ata napuntahan ko? Pero sigurado ako na tama ang nasa memorya ko. My memories never lied to me. Natanaw ko sa gilid ng salamin na pintuan ang isang batong parisukat na may disenyo, it looks like a statue. Matangkad lang ako ng konti rito. Cream ang kulay at mula sa batong 'yon ay may nakaukit."Rossino La Vaille 1989-2018"
Ganito yung nakalagay sa address, so hindi nga ako nagkamali sa pinuntahan ko. Pero bakit wala pang tao? Napapikit na lang ako ng wala sa oras nang humangin ng malakas at humarang ang aking buhok sa mukha ko.
What the, pastel pink pa naman ang suot kong damit tapos maaalikabukan pa ako ng wala sa oras. Inayos ko ang sarili pagdaan ng hangin, "Ay, sorry po," yumuko ako nang may aksidenteng makabangga. Itatanong ko pa sana kung dito ba siya nagtratrabaho dahil parang empleyado siya base sa pananamit nito pero nilagpasan niya lang ako. Hindi siya dumiretso sa building na katapat ko so obviously, he's not working here.
Lumapit ako sa entrance glass door ng building. May iilang hagdanan pa paakyat hanggang sa tumapat ako rito at kusang bumukas ang dalawang glass door. So it has a motion sensor? Bakit? Hindi ba 'to nakalock? Wala namang tao ah?
Weird.
Tahimik man pero pumasok na ako sa loob. Katahimikan din ang bumungad sa akin. Ngayon ko lang din napansin na kulay cream din ang loob ng building. It's somehow looks simple yet elegant. Napatingin ako sa counter desk nang biglang magring ang isang telepono. I'm having doubts dahil wala naman akong karapatan para sagutin ang tawag, but how come, ako lang naman ang nag-iisa rito?
I looked around bago nilapitan ang telepono at saka ito dahan-dahan na sinagot, "H-Hello?"
"What's taking you so long, woman?" boses ng isang lalaki.
"Huh?" pagsasalubong ng kilay ko.
"I am asking you what's taking you so long? I need the documents right now."
"Wait, what? Kakarating ko lang sa address na sinend sa akin. Wala pa ngang tao. May I ask who is this?" kausap ko pero hindi ko naman kilala.
"You don't even know who you're talking to."
Ang layo pa ng sagot niya. Am I supposed to know who he is?
"Bakit? Sino ba 'to? And bakit walang tao dito?" I asked once again, looking around.
Silence first, "Are you expecting to see a typical corporate surrounding in my building?" he confidently answered and that response alone was enough to catch me off guard. What? Kausap ko ang owner ng building?
"What do I need to do then, sir? Basta-basta na lang akong pinapunta dito," diniin ko pa ang 'sir'. Nakakahiya.
Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga, "Go to my office. Take the elevator. 3rd floor. 1413. On my desk, there are things. Deliver them to me."
"Wait, nasaan ka ba?" pagkunot pa lalo ng noo ko.
If he was here, hindi niya ako sasabihan na kunin sa desk niya ang 'things' at dalhin sa kanya. Pero bakit ako ang magdadala? Does this building have no employees?
How come? It's quite expensive.
"In my house. Now."
"Wait— what the— " bigla niyang pinatay ang tawag. Binaba ko ang telepono at inis na napasuklay ng buhok.
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024