"Mr. Razon, let me go!" sigaw ko habang pilit inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. Mahigpit ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Sa tangkad nito, halos makaladkad na ako sa paglalakad niya papasok ng mansyon nila.
"Bitawan mo 'ko, I'm not going back there!" sigaw ko pa. This place was never new to me. Ilang beses na akong paulit-ulit na bumalik dito noon yet, I promised myself that I will never enter this place once again.
"Shut up, will you?!" sigaw niya na hinarapan ako. Idinuro ako nito, "Kapag hindi ka nanahimik, tatawagan ko ang mga pulis ngayon din. Gusto mo bang makulong?" banta nito na siyang nakapag-palambot ng mga binti ko.
Inilingan ko siya, kasabay ng pagtutubig ng aking mata, "Sir, please. Pakawalan mo na ako," inilingan ko siya, "Wala kang mapapala sa akin."
Why is he doing this to me? I already cut off my connections with them. Bakit pa sila bumalik?
"Marami, Miss Velrama. Marami akong mapapala sa'yo, so you better shut your mouth o ipapakulong kita," mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at muling naglakad. Hindi ko maiwasang isipin kung may party ba sa loob. Dinig na dinig ko mula sa kinatatayuan namin ang pagtatawanan ng mga lalaki sa loob na parang may mga bisita siya.
Don't tell me their whole clan is here? If yes, I'm at risk, and so do my dignity.
Kahit anong pagpupumiglas man ang gawin ko, napapasunod pa rin ako sa kanya lalo na't malalaki ang mga hakbang nito. Itinulak niya ang pintuan papasok sa mansyon nito kung saan nakabukas ito ng konti. Hindi ko maiwasang mahilo ng konti dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko, wala pa akong maayos na kain.
Gumawa ng ingay ang pintuan dahilan para ang naririnig kong ingay sa loob ng mansyon ay biglang naglaho. Pagpasok namin ay sa kanila na agad tumama ang aking paningin. Maraming lalaki sa sofa na nag-uusap usap habang may kanya-kanyang hawak na baso ng beer. All of them are in their business attires at halos matatanda, probably thirty and above.
I know who they are. Nakasama ko na sila date. It's the Razons' clan.
Natigil sila at ngayon ay nakatingin sa gawi namin. Majority locked up their gaze on me, "Good evening gentlemen, look who's here to entertain us," hinila ako ni Mr. Razon papunta sa tapat nila.
Hindi maiwasang tignan nila ako mula ulo hanggang paa lalo na't ayos na ayos ako ngayon. I'm still in my pastel pink outfit at naka-makeup pa, and this is where I realized that it's getting dangerous.
Mainit ang presensya nila dito sa loob although centralized aircon ang mansyon, "Oh look, it's Miss Velrama. Nice seeing you again, lady," saad ng isang matanda na nakaupo sa pinakadulo ng sofa. Inilahad pa nito sa akin ang hawak niyang beer. Nagkatinginan sila at ngumiti. Nag-uumpisa ng kumabog ang dibdib ko.
"Why is she here?" one asked.
"Well," masamang ngumiti si Mr. Razon na saglit akong sinulyapan, "Since my wife has been gone for a long time, I think I'll be needing her company."
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Aksi(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024