Chapter 30: Everyone's Nowhere

77 3 0
                                    


Pagkapasok ko pa lang ay mabilis ko ng isinara ang pinto. Sumilip ako sa bintana at nang masiguradong walang nakasunod sa akin ay tsaka pa ako napasandal sa pintuan. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. I am so glad, na nakahinga na rin ako ng maluwag.


After what happened earlier in his company, I felt like danger is about to come. Muli kong narinig ang tunog ng sasakyan ng mga pulis. Afraid of getting caught, I ran as fast as I can to keep away from, like literally all of them.


I just can't believe it, na mas matagal akong nakasama ng mga nasa kumpanya ni Hart pero kung tignan nila ako ay parang sasaksakin nila ako ng buhay. Bakit mas naniniwala pa sila sa tao na 'yon kesa sa akin na matagal na nilang nakasama sa work? I can't believe this. I just can't find the right reason para gantihan ako ni Mr. Razon ng ganito. As far as I know, I did everything to keep myself safe.


I know that I protected myself enough but why are they ruining me now?


Panigurado ay ipapamukha nila sa akin na ako ang masama dito. I didn't even do anything. If Hart could only help me, I could testify and defend myself even without a lawyer.


Unfortunately, he did not choose to side with me.


Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw dahil baka may makakita pa sa akin dito sa loob. Mula sa building kanina ay naglakad ako papunta dito sa mansyon niya. For sure, may nakabantay sa bahay kong kubo. The reason kung bakit hindi ako makauwi roon. I can't let them see me or else, hindi na nila ako palalabasin sa preso.


Pero bakit nga ba ako nagtatago kung wala naman akong ginawa?


Well, that's an easy explanation. I was about to surrender myself if Hart could only agree to help me. Ngayong wala akong kakampi, I have no choice but to find an evidence or proof that I am innocent. Kung nasa loob ako ng preso ay wala akong magagawa para humanap ng ebidensya, kaya kailangan kong magtago.


I had my way towards the kitchen. Malamang ay nasa casino na 'yon kasama ang girlfriend niya. Dito na muna ako dahil wala akong mapupuntahan.


Dumiretso ako sa ref at kumuha ng wine glass sa bar table bago 'yon binuksan. I was about to take out my favorite wine to have a sip yet, I abruptly stopped. Wala kasi sa paningin ko ang balak kong kunin. May mga yogurt, milk, bread and some strawberry drinks. Nagsalubong ang kilay ko.


Since when? Kailan pa nahiligan ni Hart ang mga ganitong inumin at sa pagkakatanda ko, hindi naman ganito ang mga nilalagay niya sa ref niya.


How come may ganito ngayon dito?


Maya-maya ay biglang bumukas ang ilaw kaya halos mapatalon ako. Napatingin ako sa likuran nang hindi humaharap doon hanggang sa may kung sinong tao na lang ang nakatingin sa akin mula sa sofa.


"H-Hart," mahinang saad ko na hinarap siya. Kusang nagsara ang ref nang bitawan ko ito.


Prente siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Hindi nito suot ang kanyang coat, nakasabit kasi 'yon sa isang braso niya, maski ang puti nitong maskara. Nakakapagtaka lang dahil kulay itim 'yon at hindi cream. Nakaputing long sleeves siya, itim na necktie at slacks. He's so different now than six months ago. May nagbago sa kanya. He didn't wear his favorite cream color formal attire.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon