Chapter 46: Uncomforted Assurance

73 4 0
                                    



"Mr. Razon, where are we goin— " mabilis nitong tinakpan ang aking bibig gamit ang kanyang kamay habang hila-hila ako nito. Nakahawak siya sa isa kong braso kaya halos makaladkad ako sa pagsunod sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makakita gayong madilim pa rin sa paligid. May iilan kaming nakabanggaan dahil hindi pa rin sumisindi ang mga ilaw. Nag-umpisang magbulungan sa paligid dahil doon.



"Hmmmm," halos daing ko na lang dahil hindi ko magawang makapagsalita, at isa pa, saan niya ako balak na dalhin? Ano nanaman bang pinaplano niya ngayon? Kung anuman 'to, nag-uumpisa na akong kabahan.



Biglang may nagsara na pintuan kaya napagtanto ko na lang na wala na kami sa parte kung saan matao. Para kaming nasa isang hallway ngayon lalo na't nag-eecho ang bawat paghakbang namin, lalo na ang suot kong heels. Seems like kami lang ang tao ngayon dito. Muli, may bumukas na pintuan at dinala niya ako papunta sa loob, halos madapa ako nang mapagtanto na isa itong hagdanan pababa. Nagsara ang pintuan at muli niya akong hinila sa braso at ibinaba ang kamay nitong nagtatakip sa aking bibig.



"Mr. Razon, saan mo 'ko dadalhin?!" maski ang boses ko ay nag-eecho. Even though I am resisting from his grip, nakakaladkad pa rin ako lalo na't naka-heels ako ngayon. Isang maling galaw ko rito sa hagdanan at tuluyan akong mahuhulog sa ibaba. Mahilu-hilo pa rin ako dahil sa sama ng aking pakiramdam.



"Shut up, will you, Shein? Baka matisod ka, we don't want you scathe yet," prente lang ang boses niya, "This will be fun."



Tuluyan kaming nakababa. Muling may bumukas na pintuan. Just how many doors do this place have? Hindi ba ay auction house lang ng LaCosa ito?



Naka-ilang hakbang pa kami hanggang sa hinila ako nito papunta sa kung saan matapos magsara ng pintuan. Narinig kong may hinila siyang upuan at naupo roon. Pagkatapos ay pilit ako nitong hinila para maupo sa mga hita niya, the same situation when we were in his office. Naka-tagilid ako ngayon sa kanya dahil nakapatong ang pang-upo ko sa mga hita nito, "Mr. Razon— "



Bigla akong napatingin sa itaas nang magliwanag ang isang ilaw na nakasabit sa mismong tapat namin. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matanaw ang itsura nito. Nakita ko ang ngisi ni Mr. Razon nang magtama ang aming paningin. Gamit ang isang kamay ay hinapit niya ako sa baywang kaya tuluyang nagdikit ang katawan namin. Nasa dulo kami ng isang lamesa na bahagyang mahaba. Sa kabilang dulo noon na tapat namin ay madilim. Mukhang kami lang dalawa rito pero anong dahilan?



Nawala din sa kanya ang aking atensyon nang makarinig ako ng kung ano, something clicked. I looked at my hands and my heart started beating faster. Nasa lamesa ang mga kamay ko, sa magkabilang-gilid na siyang hindi ko agad napansin, hindi ko ito magalaw dahil naka-lock ito sa lamesa kung saan nakaipit sa tila isang bracelet na bakal ang aking mga pulsuhan, "W-What is this?" tanong ko kay Mr. Razon. Pilit kong tinanggal ang mga kamay ko rito.



Ngumisi lang siya, "Would you mind explaining to her?" kumunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya. Nakatingin siya sa kabilang-dulo ng lamesa na katapat namin so I found out na hindi para sa akin ang tanong.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon