Chapter 9: Not The Time For Weakness

153 6 0
                                    

I don't know how I became fast nang mapansin na halos matumba na siya sa kinauupuan. Agad na lang akong nakalapit sa kanya at ngayon ay nakasandal ang ulo nito sa tyan ko. I am standing right beside him, giving him guide to stay still. Maputla siya at pinagpapawisan.




"Are you alright?" hindi ko maiwasang mag-alala. Parang ganito rin kasi ang sitwasyon niya noon sa bangka. Tinignan ko ang kabuuan nito at nakitang tumutulo ang dugo sa sahig. Nang madako ang mata ko sa tagiliran ng tyan niya, bahagya kong hinawi ang coat nitong cream, it's the same place. Kung saan siya may tama nung gabing 'yon, yun din ang parte na dinurugo ngayon.




Does it mean, bumuka ang sugat niya? So he's still not fine?



Hindi niya ako sinagot na parang wala na siyang malay, I had no choice but to remove his mask. Kahit na malamig dito sa opisina niya, ramdam kong naiinitan siya. Without his mask, he may feel at ease kahit papano.





"We need to call help!" saad ko rito dahil maski ako ay kinakabahan na. I was about to shout outside.





"An— "




"No," hingal at mahina niyang sagot.




Agad ko siyang nilapitan at hinarapan, "T-They can't see me like this. No one... can see me like this," mulat ng kaunti ang mata niya. Once again, I am able to meet those brown orbs.





"Pero anong gagawin natin?! Dinurugo ka!" halos magpanic na rin ako pero hininaan ko na rin ang aking boses. Para kasing ayaw niyang may makaalam sa labas. But then again, he was about to die pero iniisip niya pa rin ang mga ganitong bagay?





Agad akong tumingin sa paligid hanggang sa makita ko ang cellphone niya sa lamesa. Agad kong kinuha 'yon at muling iniscan ang fingerprint niya. Tinawagan ko ulit ang nag-iisang taong alam ko na makakatulong sa amin.





Itinapat ko ang cellphone sa aking tainga, "Yes, Hart? Akala ko day off ko ngayon?" boses ng isang pamilyar na babae.





"Ysha?" bungad ko.





"Ishee?! Ikaw ba yan?! Nice, bumalik ka na sa trabaho?!" mukha pang natutuwa siya.




"No," pag-iling ko, "We need you. Dinurugo siya," ibinalik ko ang tingin rito. Magmula ba karating ko kanina dinurugo na siya at hindi nagsasabi? Gusto na ata talagang mamatay ng lalaking 'to?





"Ha? Sino?"





"Boss mo, dinurugo ang sugat. We need you again in the office, please Ysha, baka mapano siya. Ayaw niya naman na humingi ako ng tulong sa labas!" halos manginig na rin ang mga kamay ko hanggang sa umupo na ako sa isang armchair para lang makasandal ito sa akin.





Kusa kong binitawan ang cellphone na halos bunagsak sa lamesa at agad na kinalkal ang mga bulsa nito sa suot niyang coat. I got one handkerchief at inalis sa pagkakatupi. Agad ko itong ipinadampi sa sugat niya. Kitang-kita ko kasi ang pagdaloy ng dugo papalabas. I held his head para isandal sa balikat ko habang nakahawak ako sa panyo na nakadampi sa sugat niya.






"S-Stay awake, please. You can't die here. Humingi na ako ng tulong. Hey, open your eyes, a-ano ba?" saad ko na nakatitig sa mata niya. Sinubukan niyang imulat ang mata nito kahit halatang pinipinilit na lang niya.





May kung sinong kumatok sa pinto kaya doon ako napatingin, "Good morning sir, the Razons Head Department is here to see you. I already informed the applicants that the interview is cancelled. Shall I let them in?" saad ng nasa labas. I actually expected to hear Yreasha's voice pero mukhang hindi siya 'yon.






The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon