Chapter 8: If I Was Grateful

151 6 0
                                    

Here I am standing in front of the building. Minsan na akong pumasok sa loob nito at walang katao-tao that time. Buti naman ngayon at meron na, labas-pasok ang mga employee sa building. Their poise was so good, they seem to be trained so well. I walked towards the entrance gate kung saan may hagdanan pa paakyat. I feel like my neck is going to break sa tuwing tinitingala ko ang gusali na 'to.


"Yes, mam?" bati sa akin ng guard nang harangan niya ako sa entrance. Well, he's not wearing a typical security guard uniform. He's wearing a white polo and black pants with matching earbuds sa right side ng tainga niya. May katandaan din ito sa akin.


Tinignan ko siya at ngumiti, "Hi kuya, I know someone inside and I wanna talk to him po," dinadaan-daanan kami ng mga empleyado. They are all in their corporate uniforms. So this building is not just a corporate building. Sobrang formal din kasi ng aura ng mga tao. Even yung guard na kaharap ko. Maayos ang tindig niya.


"You can't go in with that dress code, mam. I'm really sorry," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.


Katulad niya ay tinignan ko na rin ang aking kabuuan and he's right. Nakapambahay lang ata ako while everyone here is in their formal outfit. Kailangan ko muna bang magpalit? Sino ba namang magpupunta sa ganitong mamahaling building wearing a white shirt and black short. Wala na ata ako sa katinuan?


Naalala ko naman ang dala ko so I took it from my pocket at ipinakita sa kanya, "How about this kuya? Mapapapasok ba ako nito?" Let's see kung anong use nito.



Nakita niya ang black card na dala ko at tila naputulan naman siya ngayon ng dila. Nawala nga ata ang kulay ng balat niya at parang huhugutan ng hininga sa biglaang panlalaki ng mata.



Binuksan niya ang pintuan at inilahad sa akin ang daan, "Please come in, mam. I deeply apologize for how I acted," dagdag pa nito.


Pinapasok niya ako at hindi na lang ako kumibo. Majority of the employees are all eyes on me from head to toe. Sino ba naman kasi ang papapasukin sa mamahaling building pero ganito ang suot? But as of now, that is not important. Wala naman akong pakielam sa kung ano ang iisipin nila sa akin.


I rule myself.



Dumiretso ako sa elevator katulad ng date, but because of what I wear, walang sumabay sa akin. Kung iwasan nga nila ako, as if napakadungis ko. Others are looking at me na parang nagtataka how I even got in. In the end, ako lang mag-isa sa elevator ngayon. I pushed the button for floor number three. It moved and after a few seconds, tumigil ang elevator. Umilaw ang paligid ng pula and a light from above the buttons appeared saying, "Passcode."



Pinindot ko naman ang passcode na buti at natatandaan ko pa. The red lights turned white hanggang sa bumukas ang elevator. A not-so-quiet office greeted me. Maraming mga naka-corporate attire at may hawak na envelope. Nakaupo sila at parang nakapila. When one of them saw me, napatingin na rin lahat sa akin. Ang mumunting ingay ay tuluyang naglaho sa presensya ko. Their eyes roamed me from head to toe. Ano bang problema nila? Sa counterdesk wala namang tao kaya imbes na magtanong, hindi ko na lang ginawa. Dumiretso lang ako.



Para silang mga aplikante sa sitwasyon ngayon. Maybe the company is hiring. Ano pa nga ba? Sanay naman ako sa ganito kaya hindi na bago sa akin. May isang babaeng lumabas mula sa isang office and as far as I observe the girl, kakagaling niya lang sa interview. Napabuntong-hininga pa siya at napahawak sa dibdib na parang kinakabahan at dumaan sa pang-world class na interview questions. Daig niya pa ang sumali sa pageant. I immediately approached the glass door kung saan siya galing.



"Ate, pumila ka naman. Kanina pa kami rito then makikisingit ka?" saad ng isa kaya ako natigilan at hinarap siya.


Pinagtaasan ko ito ng kilay, "Do I look like na mag-aapply ako ng trabaho? Can't you even see me? Sa damit pa lang hindi ako pasado so stop assuming, miss. I just have to talk to someone inside real quick. Lalabas din ako agad," pumasok na ako at isinara ang pinto dahil mukhang haharangan pa nila ako. Narinig ko pa ang pagrereklamo nila sa labas. As if I care. I'd understand why they feel that way, pinagdadaanan ko rin 'yan but this one is different.



Natagpuan ko ang isang tahimik na opisina. It's still what it is. Cream-colored walls with picture frames as decoration. Nature ang theme ng mga larawan, even sa mga corner tables, puro picture frame. Sa sofa naman ay isang maliit na cactus. Yon lang ata ang naiibang decoration dito, the rest, all the same. Picture frames.



Sa gitna, natagpuan ko ang isang lalaking nakaupo sa lamesa nito at inililipat ang pahina ng mga photo albums na hawak niya. Akala ko pa naman nagbabasa siya. Album lang pala ang hawak. He's wearing a white mask at maayos ang pagkakagel ng buhok. Bakit naka-maskara pa siya, ang aga-aga. And as usual, he's wearing his cream-colored coat and a light cream neck tie. Hindi niya ako tinapunan ng tingin as if he doesn't care. Binalutan kami ng katahimikan.



"You may start," saad niya lang. Mukha ngang hindi siya interesado.


"Do I still need to introduce myself to you, 'sir' ?" diin ko sa huling salita. He might have thought, applicant ako.


That was enough to make him stop from turning the next page at saka ako tiningala. Tulad ng iba, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "So, what brings you here?" wala ngang bakas ng pagtataka sa mukha niya as if he really expected my presence. Isinara niya ang hawak na album at inilapag sa lamesa. Sumandal siya sa kinauupuan at inilagay ang isang hita sa kabila habang diretso ang tingin sa akin.



"Were you the one who brought me to the hospital?" diretso kong tanong. Sinasalubong ko na rin ang mga titig niya.


"And if I say yes?" sagot niya.



"Then I have every right to ask kung bakit iba ang naka-register na surname ko?" pinagtaasan ko siya ng kilay.


"You could have expressed your gratitude instead of questioning me. Is that your way of appreciation?" sabay patong ng baba nito sa kanyang kamay kung saan nakatukod ang siko niya sa arm chair.



Hindi ako agad nakasagot. Why did I even come here?


"Why would I? I saved you, you saved me, in fact, you wouldn't save me kung hindi rin kita iniligtas noon, right? We're just even. You only did what I did to you. Binayaran mo lang ako sa kung anong ginawa ko sayo."



Saglit siyang natawa ngunit napawi rin agad 'yon, "Is that how you view things? Fine, if that is your perspective, I wouldn't force mine."



Lumapit ako sa tapat niya at tumigil sa harap ng table. Magmula pa kanina ay nakatingin kami sa isa't isa, no one dares cutting the eye gaze. Inilapag ko ang black card sa harapan niya, "I am here to give this back to you. Aalis na rin ako," I don't know why pero kanina, parang ang puti niya but now that I am near him, mukha siyang namumutla at pinagpapawisan.



Is he nervous or what? Nevermind.


Maayos akong tumayo at tinalikuran siya para maglakad na papalabas, "Even if you only saved me once, I will still choose to save you many times. Mark my words because I become valuable to things or people that I really appreciate. I-I value small things but what you did back then... is not just a small thing to me, Ms. Shein," para siyang hinihingal sa mga huling salita na sinabi niya, and with that para akong binuhusan ng malamig na tubig nang harapin ko siya.



Bukod sa nabigla ako sa salitang binitawan niya, nakahawak ang mga kamay nito sa magkabilang-dulo ng lamesa at mahigpit ang hawak niya roon as if he's a child na may masakit sa kanya at hindi niya masabi-sabi. Nakita ko na lang na may dugo sa ilalim ng lamesa niya.


...3ieguno...

I'm kinda tired but editing this story gave me chills.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon