Hindi ko maiwasang mapatingala dahil kahit hindi pa man gabi ay natatanaw ko ito mula sa kaulapan. Iniharang ko ang isang kamay sa aking mukha. Tumatama kasi ng diretso sa akin ang sinag ng araw, "Hi, Luna," napangiti ako ng kusa.
Whenever and wherever I go, Luna has always been my comfort. Sobrang ganda niya. Words are not enough to describe her, especially that night of the Lunar Eclipse.
I remained looking upwards habang naririnig ang kaluskos ng mga tuyong dahon sa paligid, "Ishee," nalipat ang tingin ko sa harapan nang may tumawag.
Nakatigil sila sa paglalakad at parehong nakatingin sa akin ang dalawa. Malayo na ng konti ang distansya nila sa akin. Salubong ang kilay ni Spade habang si C-El naman, nakatingin lang sa akin, "Ah, I'm sorry, guys."
"You seem out of thought," lumapit si Spade at tumingala rin, "Ano bang tinititigan mo? Is there a snake?" maski siya ay iniharang ang kamay sa mukha.
Umiling naman ako, "No. I've seen the moon kasi. It's just fascinating na kahit hindi gabi, nakikita ko pa rin," I looked above again.
"So gustung-gusto mong nakikita ang buwan?"
"Yes, I call her Luna."
"You're a selenophile?" napatingin ako sa likuran at napansing kakalapit lang rin pala ni C-El sa amin.
Ngumiti ako at tinanguan siya, "Yes," ngayon, pare-pareho na kaming nakatingala. Omg, nakakahiya. Pati sila ay nadamay sa mga trip ko.
"I'm sorry, guys. Nakaabala pa ako sa lakad natin. We should get going."
We started walking again nang unahan at lagpasan ko sila, "You might love the sight of the moon when we get there, especially at night," saad ni C-El na hindi ko agad naintindihan.
Walang ibang naririnig kundi ang paglalakad namin at ang mga yapak namin sa mga tuyong dahon. Is it just me ba? Gustung-gusto ko yung tunog ng malutong na dahon sa tuwing naaapakan? Weird no?
I was so bothered by the sight of Luna earlier to the point that I forgot to observe what's around me. Habang naglalakad ay iniikot ko ang paningin. Puro puno, halaman at mga dahon sa paligid, seems like we are in a forest.
Yes, sumama ako sa kanila without even thinking kung saan kami papunta at bakit nasa gubat kami ngayon. All I know is pupuntahan namin si Mour? But judging by the way I see him, he seems not to be the man na titira sa gubat.
We resumed with our journey and almost took thirty minutrs walking. Medyo hinihingal na ako at pinagpapawisan, unlike these two men beside me na parang walang kapaguran. Ako lang ba yung feeling maswerte? The VCC members all have handsome faces kasi, tapos kasama ko pa 'tong dalawa. Nevermind.
It didn't take that long at ilang hakbang na lang ay wala na akong natatanaw na mga puno. Pagkarating namin sa dulo, natigilan ang dalawa at napahawak sa mga baywang nila. Halos mangintab ang mga mata ko at dahan-dahang napahakbang pasulong na nakatingin sa harapan. Am I seeing the right scenery?
BINABASA MO ANG
The Ace of Hearts
Action(Casino Men Series Book 1) "To be with him, be his everything." Date started: April 8,2023 Date ended: May 31,2024