Chapter 67: Unknown Sacrifice

50 3 0
                                    



I took a deep breath habang nakatingala sa isang mataas at matayog na building. Kung noon ay nakakaginhawa at nakakamangha ito sa paningin, ngayon naman ay halos kainin na ito ng mga basura. Maliwanag man sa paningin ang cream nitong kulay ngunit halatang hindi na nirespeto ang dating itsura nito.


There are graffiti on the walls. Bukod pa roon, mula rito sa ground floor ay matatanaw ang mga basag-basag na bintana sa iba't ibang parte ng building. I looked around at puro mga basura sa paligid. May mga parte pa na sunug-sunog ang mga pinag-umpok na basura.


The well-known camouflage building is finally destroyed. Ano kayang pakiramdam ng mga Razon? Are they happy now seeing this place ruined?


Slowly, I took a step forward hanggang sa matigil ako sa tapat ng basag na pintuan. Napatingin ako sa hawak na susi at napailing na lang na tumingala. Ano pang use ng susi na binigay ni Spade kung hindi rin naman pala magagamit? Ibinulsa ko ito at dahan-dahan na pumasok sa loob. Kinailangan kong maging maingat sa pag-angat ng mga paa dahil mismong gitna ng pintuan ang butas at basag, ang mga gilid nito ay sadyang matatalim at nakakasugat.


When I finally got inside, inilibot ko ang tingin. Puno ngayon ng mga sirang gamit at halatang abandonado na. Front desk na lang ang natitirang nakatayo. Para bang binaha ng mga sirang gamit dito. Sa mga pader, wala na ang mga picture frame na puro kalikasan ang makikita. Nahulog na ang iba sa sahig at nabasag. Puno rin ng graffiti sa walls at kung anu-ano pang mga sulat.


Hindi ko na nagawang pasukin ang elevator dahil naiwan itong nakabukas at maski sa loob noon ay may mga sirang gamit. Nakuha ko pang gamitin ang kanang-kamay para paypayan ang bandang ilong at bibig ko. Maalikabok kasi. Agad kong kinuha ang panyo sa bag at tinakpan ang ilong at bibig.


Ginamit ko ang hagdanan para makapunta sa ibang palapag ng building. Katulad sa baba ay ganon rin ang aking nadatnan sa ibang floor, puro sirang gamit ang tumambad sa akin. May mga drawing at sulat sa mga pader. Pumunta pa ako sa iba't ibang floor at walang pinagkaiba. Inakyat ko rin ang palapag kung nasaan ang casino. Nakatumba ang mga lamesa at upuan. May mga kalat rin ngunit ito na siguro ang pinaka-matino kumpara sa ibang floor.


I went to the third floor para sa huling pagkakataon. I skipped it earlier for the other departments kasi. This floor is where my desk was and Hart's office. Kami lang dalawa ang nandito kaya hindi maikakaila na ito ang pinaka-walang gamit. Maalikabok lang at madumi na. Pinasok ko ang mismong opisina niya. Lumapit ako sa lamesa nito at mula sa kanyang swivel chair, nagsalubong ang kilay ko.


Nilapitan ko 'yon at may nakapatong na tatlong kamera. Kinuha ko ang isa at maayos na tinitigan, basag na ang lens nito, putol ang strap at halos may crack na. Konting hawak ko lang ay may mga parteng nalalaglag. Inilapag ko 'yon sa upuan at kinuha ang dalawa pa. I could still remember na kasama ko siya noong binili niya ang mga ito. Isa pa sa mga ito, nakihati ako sa kanya sa gastos dahil regalo ko para sa birthday niya.


I told him na ako ang magbabayad ng kalahati as my gift for him, wala pa naman kasi akong pera noon. Good thing he accepted it.


Kapareho lang ng mga ito ang naunang kamera. Sira-sira. Nang maibalik ko ang mga ito sa upuan, inilipat ko ang tingin sa lamesa. Agad kong nakilala ang mga nakapating doon na kulay itim. SD cards, para sa kamera niya. Kinuha ko ang isa at lukut-lukot na ito.

The Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon